Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

The World Famous Elvis Show, mapapanood na sa Resorts World Manila!

042415 chris connor elvis

00 SHOWBIZ ms mISANG magandang balita para sa fans ni King of Rock and Roll na si Elvis Presley dahil narito na si Chris Connor para sa three night concert series na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa April 24, 25, at 26. Ang show na pinamagatang The World Famous Elvis Show ay isang natatanging pagtatanghal na hatid ng Rotary International District 3830 sa tulong ng Royale Chimes Concerts & Events, Inc.

Ang concert ay magtatampok sa Elvis Presley tribute act ni Connor at ng banda niyang The Steels. Bibigyang buhay ni Chris ang highlights sa memorable concerts ni Elvis na That’s the Way It Is at ang sold-out show niya noong 1972 sa Madison Square Garden, New York.

Bale si Chris ang kauna-unahang binigyan ng World’s Best Elvis Performer award na tinukoy sa pamamagitan ng isang worldwide official fan poll. Ibinigay ang parangal last year bilang pagdiriwang ng Elvis Week sa Memphis na hometown ng King of Rock and Roll.

Ilan sa mga kantang maririnig sa concert ay ang Proud Mary, Can’t Help Falling in Love, Hound Dog, Blue Suede Shoes at marami pang iba.

Tiyak na mag-e-enjoy ang Elvis fans ito dahil kamukhang-kamukha at kaboses talaga ni Elvis Presley si Chris Connor.

Ang World Famous Elvis Show ay sinuportahan din ng UK Derm Erase, Creativepedia Corporation, RJ 100.3 FM, Mossimo Radio, Mellow 94.7, Easy Rock 96.3, Retro DCG-FM 105.9, Energy FM 106.7, at Business World. Ang tickets para sa The World Famous Elvis Show ay available sa Ticketworld, SM Tickets at Ticketnet outlets.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …