Wednesday , November 6 2024

Iraya Mangyans mawawalan ng tahanan dahil sa P66-M Galera Dumpsite (NCIP binastos ang RA 8371 (Indigenous People’s Act of 1997))

iraya mangyanNAPIPINTONG mawalan ng tahanan ang Iraya Mangyans sa Puerto Galera dahil sa planong pagtatayo ng P66-milyones na Categorized Waste Disposal Facility/Sanitary Landfill Project sa Sitio Lapantay, Bgy. Villaflor.

Ang nasabing lugar na tinarget tayuan ng nasabing waste disposal facility ay hindi lamang basta simpleng tahanan ng mga Mangyan.

Ito ay kanilang Ancestral Land o ibig sabihin, lupang ipinamana sa kanila ng kanilang mga ninuno.

Sila ang ilan sa ating mga katutubo na namumuhay sa sistemang komunal. Ibig sabihin kolektibo ang kanilang pamumuhay. Sama-sama silang nagtatrabaho, nagtatanim, nag-aalaga ng kanilang mga pananim, pinagkukuhaan ng tubig na maiinom, sama-samang nag-aalaga ng hayop at sama-sama rin nila itong inaani at inihahain sa kanilang hapag.

Ganyan po ang buhay ng mga katutubo.

Malayo sa kanilang hinagap ang mamuhay sa isang modernong komunidad o cosmopolitan life.

Ilan sa kanilang mga kabataan ay nangangarap maging guro, hindi para yumaman kung hindi upang maturuang bumasa at sumulat  ang kanilang mga kabataan.

Nais din nilang sagipin sa ignoransiya ang kanilang tribu lalo sa usapin ng kalusugan, batas at pagtatanggol sa kanilang ancestral land.

At ang ahensiyang dapat umalalay at magbigay ng proteksiyon sa kanila – ang National Commission on Indigenous People (NCIP) – sa kasamaang palad ay katuwang ngayon na nagpapaalis sa kanila sa kanilang ancestral land sa bahaging iyon ng Puerto Galera.

Katunayan, kamakailan lang nag-walk-out ang kanilang kinatawan sa isang pulong na ipinatawag ng NCIP dahil pinipilit silang lumagda sa isang resolution na pumapayag na gawing dump site ang kanilang ancestral land.

Ayon kay Ciriaco Bibo, ang proyektong pilit na pinasasang-ayunan sa kanila ng NCIP ay tiyak na ikawawala nila ng tahanan at kabuhayan. Tiyak din umano na lalason ito sa kanilang bukal mula sa Tamaraw Hills na pinagkukuhaan nila ng tubig.

Sa kabila ng hayagang pagtutol ng mga Mangyan, pinagkakamatigasan umano ni NCIP Provincial Officer Karen Ignacio na hanggang katapusan na lamang ng Abril ang ibinibigay niyang palugit sa mga Mangyan para lagdaan ang resolusyon dahil kailangan na umano silang i-relocate sa ibang lugar upang maumpisahan na ang municipal dump and landfill project.

Ayon kay Ignacio, pumirma man o hindi ang mga Mangyan, ipatutupad ang ebiksiyon laban sa kanila para masimulan na ang proyekto

Ang nasabing lupain ay aabot sa 10 ektarya na pag-aari ng Puerto Galera municipal government pero malinaw na itinatakda sa Republic Act 8371 (Indigenous People’s Act of 1997) na ancestral land ng mga Mangyan.

Matindi ang pagtutol ng mga Mangyan sa proyektong ito dahil ito ay mangangahulugan ng pagkapawi ng kanilang kabuhayan na nakabase sa agrikultura, pagkalason ng Tamaraw Falls, ang kanilang komunidad mismo, ang kanilang dalawang-taon na dalawang silid-aralan kung saan nag-aaral ang 50 batang Mangyan

Kung walang maramdamang pagkalinga sa kanilang tribu ang mga Mangyan mula sa pamahalaan, kanino pa kaya sila puwedeng magsumbong at humanap ng kakampi?!

Ultimong ahensiya na dapat kumalinga at magbigay ng proteksiyon sa kanila ay umaaktong ‘ahente’ ng pagwasak sa kanilang komunidad.

Kung magtatagumpay ang NCIP na palayasin ang mga Mangyan sa nasabing ancestral land para gawing dumpsite at landfill, sana, sila ang unang maibaon diyan dahil wala na silang silbi bilang tagapagtaguyod at tagapagtanggol ng mga katutubo, kaya maituturing na silang ‘plastic’ na basura.

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *