Saturday , November 23 2024

Iraya Mangyans mawawalan ng tahanan dahil sa P66-M Galera Dumpsite (NCIP binastos ang RA 8371 (Indigenous People’s Act of 1997))

00 Bulabugin jerry yap jsyNAPIPINTONG mawalan ng tahanan ang Iraya Mangyans sa Puerto Galera dahil sa planong pagtatayo ng P66-milyones na Categorized Waste Disposal Facility/Sanitary Landfill Project sa Sitio Lapantay, Bgy. Villaflor.

Ang nasabing lugar na tinarget tayuan ng nasabing waste disposal facility ay hindi lamang basta simpleng tahanan ng mga Mangyan.

Ito ay kanilang Ancestral Land o ibig sabihin, lupang ipinamana sa kanila ng kanilang mga ninuno.

Sila ang ilan sa ating mga katutubo na namumuhay sa sistemang komunal. Ibig sabihin kolektibo ang kanilang pamumuhay. Sama-sama silang nagtatrabaho, nagtatanim, nag-aalaga ng kanilang mga pananim, pinagkukuhaan ng tubig na maiinom, sama-samang nag-aalaga ng hayop at sama-sama rin nila itong inaani at inihahain sa kanilang hapag.

Ganyan po ang buhay ng mga katutubo.

Malayo sa kanilang hinagap ang mamuhay sa isang modernong komunidad o cosmopolitan life.

Ilan sa kanilang mga kabataan ay nangangarap maging guro, hindi para yumaman kung hindi upang maturuang bumasa at sumulat  ang kanilang mga kabataan.

Nais din nilang sagipin sa ignoransiya ang kanilang tribu lalo sa usapin ng kalusugan, batas at pagtatanggol sa kanilang ancestral land.

At ang ahensiyang dapat umalalay at magbigay ng proteksiyon sa kanila – ang National Commission on Indigenous People (NCIP) – sa kasamaang palad ay katuwang ngayon na nagpapaalis sa kanila sa kanilang ancestral land sa bahaging iyon ng Puerto Galera.

Katunayan, kamakailan lang nag-walk-out ang kanilang kinatawan sa isang pulong na ipinatawag ng NCIP dahil pinipilit silang lumagda sa isang resolution na pumapayag na gawing dump site ang kanilang ancestral land.

Ayon kay Ciriaco Bibo, ang proyektong pilit na pinasasang-ayunan sa kanila ng NCIP ay tiyak na ikawawala nila ng tahanan at kabuhayan. Tiyak din umano na lalason ito sa kanilang bukal mula sa Tamaraw Hills na pinagkukuhaan nila ng tubig.

Sa kabila ng hayagang pagtutol ng mga Mangyan, pinagkakamatigasan umano ni NCIP Provincial Officer Karen Ignacio na hanggang katapusan na lamang ng Abril ang ibinibigay niyang palugit sa mga Mangyan para lagdaan ang resolusyon dahil kailangan na umano silang i-relocate sa ibang lugar upang maumpisahan na ang municipal dump and landfill project.

Ayon kay Ignacio, pumirma man o hindi ang mga Mangyan, ipatutupad ang ebiksiyon laban sa kanila para masimulan na ang proyekto

Ang nasabing lupain ay aabot sa 10 ektarya na pag-aari ng Puerto Galera municipal government pero malinaw na itinatakda sa Republic Act 8371 (Indigenous People’s Act of 1997) na ancestral land ng mga Mangyan.

Matindi ang pagtutol ng mga Mangyan sa proyektong ito dahil ito ay mangangahulugan ng pagkapawi ng kanilang kabuhayan na nakabase sa agrikultura, pagkalason ng Tamaraw Falls, ang kanilang komunidad mismo, ang kanilang dalawang-taon na dalawang silid-aralan kung saan nag-aaral ang 50 batang Mangyan

Kung walang maramdamang pagkalinga sa kanilang tribu ang mga Mangyan mula sa pamahalaan, kanino pa kaya sila puwedeng magsumbong at humanap ng kakampi?!

Ultimong ahensiya na dapat kumalinga at magbigay ng proteksiyon sa kanila ay umaaktong ‘ahente’ ng pagwasak sa kanilang komunidad.

Kung magtatagumpay ang NCIP na palayasin ang mga Mangyan sa nasabing ancestral land para gawing dumpsite at landfill, sana, sila ang unang maibaon diyan dahil wala na silang silbi bilang tagapagtaguyod at tagapagtanggol ng mga katutubo, kaya maituturing na silang ‘plastic’ na basura.

Lahat ng ilegal all-in sa Parola (Paging C/Supt. Rolando Nana)

MAGANDANG araw po MPD DD Chief Supt. Rolando Nana.

Tatawagin  ko lang po ang inyong pansin sa inirereklamo sa inyong lingkod na garapalang operasyon ng mga ilegalista sa Parola.

Itinuturo po ng ating impormante ang isang bahay d’yan sa Barangay 20 Zone 2 na sinasabi nilang pag-aari ng isang pamilya  na walang tigil ang TUPADA.

Kung noong mga unang administrasyon ay patago ang mga TUPADA, ngayon daw po ay talamak at lantaran na riyan sa Gate 1, Gate 2, at Gate 3.

Pare-pareho daw po ‘yang area na ‘yan sa ilalim ng Barangay 20, Zone 2.

Hindi lang tupada, sa bungad lang daw ng Gate 1 & Gate 2 ay kitang-kita na ang video karera cum shabuhan.

Habang sa tapat ng isang kagawad ay lantaran at talamak din ang fruit game at video ka-rera. Lahat daw po ng gate ay mayroong video karera.

Bukod sa video karera at fruit game, meron din jueteng at ang demonyo sa lahat — SHABU! 

Gen. Nana Sir, humihingi po ng tulong ang mga residente sa lugar na ‘yan dahil talagang kaawa-awa raw po ang mga bata o kabataan sa nasabing komunidad.

Hindi na po tayo nagtataka kung bakit araw-araw ay mayroong itinutumba sa area na ‘yan. Malamang ‘yan ay dahil sa interes nila sa mga ilegal na gawain.

Alam nating hindi madaling linisin ang lugar na ‘yan.

Pero alam din po natin na hawak ninyo ang isang kapangyarihan o awtoridad para linisin ang lugar na ‘yan.

Pakisudsod n’yo na ‘yang PAROLA, Gen. Nana!

Congratulations Las Piñas Police S/Insp. Joel Gomez

BINABATI po natin ang Las Piñas police sa pangunguna ni S/Insp. Joel Gomez kasama ang kanyang mag tauhan na sina SPO1 Maruin Atas, POs3 Arthur Camero at Rufino Bernal Jr., sa pagkakaaresto sa notorious robbery suspect na isang Reynan Santiago Gomez, residente sa M. Dela Cruz, Pasay City.

‘Yan po ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ismael Duldulao.

Congratulations Tinyente Gomez! Mabuhay ka at sana’y dumami pa ang mga katulad mo sa hanay ng Philippine National Police (PNP)!

Muñoz overpass sinalaula ng vendors na protektado ng pulis?

ANG overpass ay tawiran ng mga pedestrian sa EDSA. Pero rito sa overpass ng Muñoz halos hindi nakadaraan ang mga tao na tumatawid dahil kabilaan ay mayroon nagtitinda ng mga damit nakasabit magkabilaan bakod ng overpass. Minsan po ay mayroon akong napansin na mga pulis na nakikipagtawaran sa ibinibintang relo ng vendor. Ang kakapal ng mga mukha ng dalawang pulis na ‘yan. 7 pm ang lalatag na ang mga vendor ng mga paninda nila at ang dumaraan namimili lalo na sa araw ng Sabado at  Linggo, subrang sikip ang daanan ng mga tao. Sana po Bulabugin nyo ang overpass ng Muñoz. Plz. Don’t post cp number thank you #+63907732 – – –

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *