Thursday , December 26 2024

Brillantes butata sa Korte Suprema! (3-M division magsoli kaya ng SOP money?)

00 Bulabugin jerry yap jsyISA tayo sa mga natutuwa sa naging desisyon ng Korte Suprema na IBASURA ang P300-milyones deal ng Commission on Elections (COMELEC) at SMARTMATIC-TIM para sa diagnostics and repair ng 80,000 precinct count optical scan (PCOS) machines na gagamitin sa 2016 elections.

Ayon mismo kay Supreme Court spokesperson Theodore Te, idineklara ng mga Mahistrado na ang Comelec Resolution 9922 at ang Extended Warranty Contract Program 1 ay null and void.

Nakita umano ng mga Mahistrado na mismong ang Comelec ay hindi kayang idepensa ang ginawa nilang direct contracting kaya naman ang desisyon ng Korte Suprema ay “immediately executory.”

‘E ano ngayon ang masasabi ni dating Comelec Chairman Sixtong ‘este’ Sixto Brillantes ngayong nabutata ang deal na pinasok niya sa SMARTMATIC-TIM?!

Aba ‘e humihirit pa si Comelec spokesperson Director James ‘balbas’ Jimenez at gusto pang iapela ang desisyon ng Supreme Court ‘e unanimous na nga ang decision ng Supreme court!

Matagal na tayong duda sa paggugumiit ng Comelec sa pinasok nilang direct contract sa SMARTMATIC-TIM.

Kitang-kita na mayroong interes na pinoproteksiyonan ang grupo ng mga nagretirong Commissioner.

Ang tanong, magsoli kaya ng ‘goodwill o SOP money’ ‘yung mga nakinabang sa deal na ‘yan?!

‘E ‘yung notoryus 3-M division, magsoli rin kaya?!

Tsk tsk tsk…

Huwag lang sanang magkaroon ng bagong hocus-focus…

Baka mamaya, magbago lang ang pangalan pero ang pinag-uusapang machine ay ‘yun pa rin.

‘Yun bang tipong mayroon lang mamumuhunan para i-refurbish ‘yang mga PCOS machine tapos ide-deal na naman sa Comelec.

At dahil malapit na ang eleksiyon, baka biglang sunggaban ‘yang bagong deal?!

Ano sa palagay ninyo mga suki?!

Binaboy na hiring & promotion sa BI (Pakibasa SOJ Leila de Lima)

Nito lang nakaraang Linggo ay lumabas na ang pinakahihintay na promotion at hiring of new personnel sa Bureau of Immigration (BI).

Pero maraming nagulat sa hanay ng organic BI employees at ang iba naman ay… (hold your breath!) muntik nang maduwal at masuka sa kinalabasan ng promotion na para sa kanila ay pinakawalang-kuwenta, pinaka-nakasusuka at higit sa lahat pinakababoy na uri ng hiring at promotion sa kasaysayan ng Bureau of Immigration.

At ito ay nangyari sa administrasyon ng daang matuwid.

Halos iisa ang hinaing ng lahat. Halos lahat daw ng juicy items ay nakuha ng mga taga-Commissioners Office?!

Ang iba pa raw sa mga nakakuha ng items ay kalabog o bagsak naman sa isinagawang qualifying examination?!

What the fact!?

Nakahihiya at nakaririmarim naman ang ganyang sistema!

Karamihan daw sa mga na-promote ay mga close-friends ng tinaguriang “SNOWPEAK QUEEN” na alias BAROTSO.

At ang nakapagtataka, matibay na sinangayunan ito nina BI Commissioner Fred Mison at SOJ Leila de Lima.

Kabilang sa mga na-promote na IMMIGRATION OFFICER-2 ay itong isang ANNA MATI na muntik nang ‘matigok’ noong kapanahunan ni BI Ex-Comm. Ric David dahil nasangkot sa kaso ng pinatakas na Korean fugitive na si Park Sung Jun.

Why not coconut? ‘E sanggang-dikit daw ito ni alias Barotso!?

Isa pa ‘yung CATHRYN ALBIE SANTOS na na-hire bilang IO-2, agad-agad, na isang CA (contractual) lang at mismong mga taga-BI main office ang nagsasabing wala pang masyadong alam sa bureau?

Syet na malagkit!!!

From CA to IO-2 agad-agad!?

‘E bakit hindi na lang n’yo idinirecho agad na Immigration senior supervisor tutal mukhang bastusan at garapalan na naman ang labanan ngayon!?

Na-hire ‘yan, samantala, kilalang-kilala na pasaway at ubod nang tamad, ayon mismo sa mga taga-BI-IRD.

Isa pa sa nabiyayaan ng promotion ay isang nagngangalang “TEPICO” na may kaso ng habitual absences at tardiness.

Whattafact!!??

Kabilang pa rito ang isang CA VEA MAGSAYSAY na from BI-OCOM din (na naman!?) ay nakakuha rin ng item na Immigration Officer 2.

Wakanga!!!

Pamigay na pala ngayon ang item na IO-2!?

Gaano na ba kagaling ang babaeng ‘yan sa Immigration para pagkalooban nang ganyan kataas na item?

Anak ng siopao naman! Naman, naman, naman!!!   

 At higit sa lahat ay isang nagngangalang LIBERTY “condensada” IBAY na kahit daw hindi nakapasa sa qualifying exam at hindi na-interview ay pasok din dahil kagrupo nga ni Snowpeak Queen Barotso?

Too much injustice ang sinapit ng mga more deserving Immigration Officers sa pangyayaring ito.

Palakasan system ang ipinaiiral sa hiring and promotion. It’s not what you know but whom you know na naman ang nangyari.

Sabi nga ng isang matagal nang IO-1, hindi naman siya nagsa-SOURGRAPE pero sana ang ginawang basehan ng hiring and promotion ‘e ‘yun length of service at mga accomplishment sa bureau.

Dapat sigurong makialam si PNOY, ang senado, kongreso at lalo na si Madam SOJ Leila Delima sa binaboy na hiring and promotion sa ilalim ni Mison!

Masyado bang abala si SOJ Leila de Lima at hindi na-review mabuti ang mga na-promote na ‘yan?

Magkano ‘este paano nangyari ‘yan?!

Sa mga nasa likod ng hiring and  promotion, hindi ba kayo nakokonsiyensa at naaawa sa mga natapakan dito!?

Boom Panes!!!

Congressman nagpatalo ng P8-M sa COD casino

KA JERRY, nagpatalo ng 8 milyon isang congressman ———— mula sa Mindanao nun isang gabi sa city of dreams VIP room. Bakit ang dami nilang pera Sir? +639189290 – – – –

Para kanino ba talaga ang BBL?

Gd pm po pansin ko lang po Sir Jerry kc sabi ng Mohadger Iqbal siya ay myembro ng revolutionary government kaya  marami siyang alyas pra lang alam mo di sya tapat sa mga ginagaw pero ang president at ang kanyang mga kampon ay halos ipagduldulan na ang BBL  pra mapirmahan na ito at maibigay na sa MILF. Ano po kaya meron sa BBL? Ano kaya balak nila sa Pi-lipinas? Gagawin kaya nilang kusina, killing fields, garbage can o mental hospital? Kc npanood ko sa TV kung paano umepal ang mga trapo kung mag-agawan ng mikropono at humarap  sa TV wla namang  katuturan ang mga pinagssabi, tinalo pa ang mga pulubi. Sabagay buti pa nga ang pulubi pglahad ng kamay alam mong humihingi ng limos para sa kumakalam na sikmura #+63943229 – – – –

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *