NAGING hit sa internet ang larawan ng isang aso habang matiyagang binabantayan ang bangkay ng kaibigan niyang kapwa aso na nasagasaan ng isang kotse sa China.
Ang sandy-coloured ‘Good Samaritan’ pooch ay nanatili sa tabi ng kanyang kaibigan, bagama’t ang bangkay ng kapwa aso ay nakabulagta sa gitna ng kalsada.
Tumanggi rin siyang mailipat ng lugar bagama’t ang temperatura ay bumaba ng hanggang sa 13C.
Nagdesisyon naman ang ilang residente malapit sa lugar na maglagay ng stool sa tabi ng dalawang aso upang maalerto ang mga motorista at maiwasan na muling may masagasaang hayop noong Disyembre 22.
Kinunan ng nagdaraang mga tao ng larawan ang dalawang aso at ilang beses na ni-repost sa internet.
Sinabi ng isang babae na si Ma Hongyan: “It is our stool. A kind-hearted woman put it next to the dogs to protect them from being hit again by another car.”
Sinabi ng isa pang motorista mula sa Yinchuan, sa rehiyon ng Ningxia Hui: “The drivers must be careful and not hit them.
“The dog has been here for his friend all night.”
Kalaunan, ang patay na aso ay dinampot ng restaurant owner at inilagay sa gilid ng kalsada.
Ngunit hindi pa rin ito iniwan ng kaibigan niyang aso.
Pagkaraan ay inilibing ng hindi nakilalang lalaki ang patay na aso sa lilim ng isang puno sa local park. Hindi naman nabatid kung saan napunta ang kaibigan niyang aso. (SKY NEWS)