SA classical feng shui applications ang mga bulaklak ay simbolo ng kagandahan at biyaya.
Ang universal language ng mga bulaklak ay walang cultural boundaries, magkakapareho ang interpretasyon at kahulugan sa alin mang mga bansa.
Ang feng shui use ng flowers symbol ay base sa kaparehong universal feeling na dulot ng mga bulaklak sa tao – ang pakiramdam ng kagandahan, biyaya at kabinihan, senswalidad.
Ang buhay na mga bulaklak ang pinakamainam sa tahanan, dahil ito ay nagdudulot ng strong healing energy; ngunit ang mga imahe ng mga bulaklak o high quality silk flowers ay madalas ding gamitin sa feng shui.
Bukod sa enerhiya ng kagandahan at biyaya, ang mga bulaklak ay nagdudulot din ng suwerte at biyaha, kalidad ng Chi sa alin mang bahay.
Feng shui-wise, ang atensiyon ay nakatuon sa mga kulay, bilang gayondin sa isinisimbolo ng specific flowers.