Buriki Gang sa NAIA isa-isa nang nalalagas
Jerry Yap
April 21, 2015
Opinion
ISA tayo sa mga natutuwa at unti-unting napapanatag sa unti-unting pagkalagas ng mga miyembro ng ‘BURIKI GANG’ diyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
‘Yung Buriki Gang (baggage handler) po ay isang grupo ng mga eksperto sa pagnanakaw sa mga bagahe ng pasahero na supposedly ay ilalagay mula sa baggage conveyor papunta sa cargo section o vice-versa ng mga eroplano.
Pero ang ginagawa ng Buriki Gang, ini-intercept nila ang mga bagahe ng mga pasahero sa mga baggage conveyor from NAIA terminal bago maisakay sa cargo section ng eroplano.
Matitinik at eksperto na talaga ang mga pusakal na magnanakaw, dahil kahit may CCTV camera ay kaya nilang lagpasan at taguan.
‘Yung unang anim na miyembro ng Buriki Gang na nahuli ng MIAA Intel ay natuklasang contractual employees ng isang sub-contract employment agency ng airline companies.
Ayaw natin ‘matatakan’ ‘yung contractual employees ng mga airline companies, kasi very discriminatory ‘yan, pero sana naman magkaroon pa ng hakbang ang mga awtoridad sa NAIA at ang airlines mismo kung paano nila bibigyan ng proteksiyon ang mga bagahe ng kanilang mga pasahero.
Talagang masakit sa dibdib kapag nakikita natin na ang nananakawan ay mga kababayan natin na matagal namalagi sa ibang bansa at pagkatapos ay may uwing pasalubong para sa kanilang pamilya at ibang kaanak.
Lalo na ‘yung overseas Filipino workers (OFWs) na talagang dugo’t pawis ang perang ipambibili ng kanilang mga pasalubong.
Sila ang madalas na nabibiktima ng ‘Buriki Gang’ na ‘yan.
Pero sana ay hindi magwakas sa mga ‘Buriki Gang’ ang trabaho ng mga awtoridad sa NAIA. Dapat ‘e masudsod rin nila kung saan o kanino madaling naibebenta ang mga ninakaw sa mga bagahe ng mga pasahero.
Busisiin din kung may kasabwat silang mga guwardiya.
Tiyak kasi na sila rin ang tumutulong para makapasok sa mga employment agencies na sub-con ng airline companies ang mga miyembro ng Buriki Gang.
Malaki ang gastos sa pagko-comply ng mga requirements para sa employment kaya tiyak na mayroong namumuhunan para sa kanila.
Kailangan nang masinsinang intelligence work d’yan, AGM-SES ret. Gen. Vicente Guerzon.
Alam nating eksperto ka riyan at kayang-kaya mong tapusin ang pa-mamayagpag ng ‘Buriki Gang.’
Sudsurin mo pa ‘yan, Gen. Guerzon!
Sikat na sikat ngayon ang bagong MPD HQ bagman (Attention: Gen. Carmelo Valmoria)
‘Yan ang usap-usapan ngayon ng mga pulis sa MPD HQ kaugnay sa galaw ng isang grupo ng kotong cops na sa kanila naka-imbudo ngayon ang payola at intelehensiya mula sa mga ilegalista sa buong kamaynilaan.
Base sa impormasyon sa atin, isang alias TATA KRIX at TATA KAMPO-TOTOY ang humahataw sa pangongolektong gamit ang isang unit sa MPD.
Kilalang-kilala nga ng lahat ng illegal gambling operator ang mga kumag at may pa-bonus pa sila.
Kapag hindi rehistrado o pasok sa kanila ang ilang ‘butas’ ng ilegal na sugal ay tiyak na sakote sa kanila.
Sobrang magaling daw kasing magpaikot at sumipsip ang utak ng ‘imbudo tara gang’ na isang opisyal sa kanyang mga bossing sa MPD at sa city hall?
Ito rin daw opisyal na ito ang tongpats ng mga paihi sa mga barge riyan sa Smokey Mountain.
Mukhang nagmamadali ‘atang magpayaman ang opisyal mong ‘yan, MPD DD Gen. Rolly Nana!?
Paalala sa ‘pasaway’ na pasahero sa airport
SPEAKING of security nightmare, just recently a foreign passenger identified as Curil Dowden, Sr., with Passport No. 479130782 was offloaded from Qatar Airlines flight QR 927 after the aircraft door was closed.
Ang nasabing pasahero was upset with his seat assignment for he claimed he requested from the check-in counter for bulkhead with lots of leg room. Kaya ang nangyari ay nagwala siya at si-nabing… “I am from the military and I can put a bomb under my seat.”
Kaya naman walang inaksayang oras ang crew members ng nasabing plane na muling binuksan ang pintuan ng eroplano at inilabas ang nasabing pasahero.
Ang insidenteng nabanggit ay mukhang itinago sa mga mamamahayag ng paliparan ngunit ang classic dito ay dapat talagang maging aware ang bawat isa, maging anuman ang trabaho mo sa airport, always ready and alert para sa proteksiyon ng airport people and users.
Lingid sa kaalaman ng marami ay may itina-tag na security management ang Airline Operators Council (AOC) at mga eksperto ang nasa likod nito para maiwasan ang anumang masamang pa-ngitain sa paliparan at maging sa mga sumasahimpapawid na commercial aircrafts.
Nagpapaalala ulit tayo sa mga bumibiyahe sa airport, huwag na huwag maging pasaway at iwasan magbiro ng bomb threat.
Bakit pinayagan pang tumakbo si Erap gayong sentensiyado habambuhay?!
GOOD pm Boss, isa po ako masugid ninyo tagahanga at mambabasa ng HATAW at Police Files lalo na sa column ninyong Bulabugin Boss. Noon Sabado ng gabi, ganap 6 p.m. to 7 p.m. nanonood po ako sa Channel 8 sa GNN sa Destiny kay Atty. Alan Paguia. Sabi ni Atty. Alan kung naging presidente ka na hindi na puwede kumandidato kahit saan. Tanong lang po sa inyo, totoo tunay na abogado si Chairman Atty. Sixto Briallates at bakit po pinayagan ng Kataas-taasang Hukuman si ex president Erap ganon sentensiyado habang buhay si Erap. Para siyang si Barabas, pusakal na magnanakaw. Boss Jerry, huwag lang po ninyo ilagay cel no. ko. Salamat po. #+63919675 – – – –
Wala po akong balak tumakbong Senador! (Salamat po sa tiwala)
SIR JERRY sa naging karanasan n’yo last Easter Sunday na alam na ng matatalinong botante sure winner ka na Jerry Yap for Senator sa 2016 hindi ka na namin malilimutan sana ‘wag mo kami bibiguin. #+63915369 – – – –
Isang karangalan po na basahin ninyo ang aming mga balita at lathalain para sa ating mga kababayan
From: mario germino
Subject: Use of News Articles
for Online Community Radio
Magandang araw po.
I am an OFW based in Saudi Arabia. We have an online not-for-profit radio station serving OFWs worldwide especially those in the Middle East – www.dreamstarfm.com. Everyone involved in the station and its operation are volunteer OFWs from different parts of Saudi Arabia.
On behalf of our management, I would like to request expressed approval if we can READ your news articles during our news programs. Of course, with due acknowledgement and promotion of your website and service.
We hope to hear from you and receive your approval.
Thanks,
Mario Germino
(A) Station Manager
DreamstarFM.com
This e-mail was sent from a contact form on Hataw Tabloid (https://hatawtabloid.com)
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com