HINDI na gagawin ni Kris Aquino ang pelikulang Etiquette for Mistresses na ididirehe ni Chito Rono mula sa Star Cinema na pagsasamahan sana nila ni Claudine Barretto.
Naibulong sa amin ng ABS-CBN na hindi puwedeng ituloy ng Kris TV/Aquino and Abunda Tonight host na gawin ang pelikula dahil conflict ang role niyang mistress sa mga endorsement niya at naka- stipulate sa lahat ng kontrata.
Gagawan daw ng Star Cinema na baliktarin ang papel ni Kris na siya na ang magiging legal na asawa at si Claudine ang gaganap na mistress.
Ang kaso, iilan lang daw ang exposure ng legal wife sa pelikula dahil nga ang kabit ang bida saEtiquette of Mistress.
Hindi pa namin nakakausap si Kris dahil kasalukuyan siyang nasa Singapore para sa birthday celebration ng anak niyang si Bimby.
ni Reggee Bonoan