Friday , November 15 2024

Kudos Director Virgilio Mendez, Kudos NBI!

00 Bulabugin jerry yap jsyMARAMING buhay ang nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI) nang salakayin nila ang dalawang yunit ng condominium sa Mandaluyong City na laboratoryo pala ng date-rape drug laboratory.

Ang date-rape drug po ay mas kilala bilang “liquid ecstacy” na karaniwang inihahalo sa inumin ng isang babae upang mawalan ng malay at mag-submit sa sexual act.

Isang patak lang tiyak na mawawalan na ng ulirat ang biktima.

Pero ang matindi rito, puwede rin mamatay ang gumagamit nito kapag nagkaroon ng chemical reaction ang pinaghalong GHB at alak.

Bawat 100 ml ng liquid ecstacy ay mabibili umano ng P10,000 na unang nauso sa Europa at Amerika.

Isang Aaron Limon, American national, ang sinabing may-ari ng kitchen laboratory.

Ang katabing yunit ay pagmamay-ari ng kababayan niyang si Dennis Thicke, Jr., anak ng lider ng isang malaking sindikato sa droga.

Naabutan ng NBI operatives sa isa sa mga condominium ang isang Nigerian national na banggag pa sa droga at isang Filipina model na sinabing misis ni Thickie.

Hindi na tayo nagtataka kung bakit laganap ang “liquid-ecstacy” sa itinuturing na hi-end entertainment places sa Metro Manila dahil ang target ng nasabing droga ay upper middle class market.

Kabilang na rito ang yuppies, entertainment sector, mga estudyante sa exclusive schools at iba pang area kung saan umiistambay ang ‘rich’ boys & girls.

Kaya karapat-dapat lamang purihin ang accomplishment na ito ng NBI dahil malaking sindikato ng droga ang napatiklop nila.

Inuulit po natin, Salamat NBI Director Virgilio Mendez.

Kudos NBI!

Sen. Ralph Recto nagbigay ng pabuya vs suspek sa pamamaslang kay Mei Magsino

ISA tayo sa mga nagpapasalamat sa ginawang pagkakaloob ng P100,000 pabuya ni Senate President pro-tempore Ralph Recto para sa sino mang makapagtuturo sa pumaslang sa dating journalist na si Mei Magsino sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Recto, ido-donate niya ang  naturang halaga sa bubuuing reward pool ng pamahalaan.

Naniniwala si Recto na ang nasabing pabuya ay makapang-eengganyo sa nakaaalam o mayroong hint kung sino o nasaan ang killer ni Magsino.

Sana lang ay maging mabilis ang paglalabas ng pondo ng Philippine National Police (PNP) o alin mang ahensiya ng pamahalaan na mayroong pondo para rito.

Mariing kinondena ni Recto ang pagpatay sa kapwa Batangueño na bagama’t hindi na aktibong kagawad ng media si Magsino ay patuloy ang krusada sa paghahanap sa katotohanan sa mga isyu sa lipunan.

Hamon ni Recto sa mga awtoridad, tuldukan na ang ‘impunity’ sa bansa at resolbahin ang mga kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag.

Sana rin ay maging mabilis ang imbestigasyon at aksiyon ng pulisya para sa mabilis na paglutas sa pinakahuling kasong ito ng pamamaslang sa isang dating mamamahayag.

Mabuhay ka Senator Ralph Recto!

Rigodon sa Immigration inaalmahan na!

Marami raw mga Immigration officers ang nag-react, ang iba ay nagreklamo at nag-file ng motions for reconsideration dahil sa biglang ipinalabas na SBM Personnel Order para sa nationwide rotation na gustong mangyari ni BI Comm. Fred ‘serious dishonesty’ Mison.

Wala raw malinaw na guidelines ang sinasabing nationwide rotation at ang sabi ng iba, ito ay malinaw na paglabag sa existing Civil Service rules and regulations for reassignment of employees.

Talagang hindi na raw ikinonsidera ni Mison ang kapakanan ng mga empleyado. Dapat daw ay inisip niya na kapakanan ng bawat pamilyadong Immigration Officer ang nakasalalay dito at maaari pang ikasira ng mga pamilya ang biglaang rotation.

Nasaan na raw ang sinasabi niya noong bago pa lang siyang naupo na Immigration Commissioner na siya ay tatayong ama para sa kanyang mga anak?

Lahat ba ng mga pangakong ito ay tuluyan nang napako!?

Bakit kinakailangan na halos lahat ay mag-suffer kung meron mang bulilyaso sa ilang airports and subports?

Dapat kung sino lang ang may bulilyaso ay ‘yun lang ang bigyan ng sanction at huwag naman sana i-generalize nitong si Mison.

Pagdating naman sa gastos, gaano kalaking pera ang uubusin ng Bureau sa pag-shoulder ng travel expenses at pagkuha ng staff houses kung saan pansamantalang titigil ng tatlong (3) buwan ang mga nalipat na IOs?

‘Yan ay kung meron ibibigay sa kanilang pambayad diyan.

Ang balita pa, gusto raw ni Mison na sa Express lane or overtime pay kukunin ang panggastos para sa mga nasabing expenses.

Neknek niya!!!

Para sa mga empleyado, malaking kalokohan ang ‘pakulong’ ito ni Mison.

Well, gano’n talaga…sabi ng ilang beterano sa bureau:

“Hindi ka na talaga minsan makapag-iisip nang tama kung minsan kung ang atensyon mo raw ay lagi na lang na kay Ms. Valerie Concepcion? Paano kaya nasisikmura ni Comm. Mison na habang siya ay masaya sa kanyang sex ‘este’ lovelife ay maraming pamilya ang nagdurusa sa ginawa niyang rigodon? “

Anong say mo sa isyung ito, BI-IRD OIC Ms. Marie Vitan!?

Hinaing ng senior citizen

KA JERRY, reklamo ko lang ang MANG INASAL dito sa Juan Luna Divisoria ang binabawas lang ay senior citizen discount pero may VAT pa rin. Hindi ho ba exempted kami sa VAT? Sa Chowking, KFC, Jollibee ay ganoon din. Ano ho ba aksyon ng office of the senior citizen? +639182330 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *