Alternatively, ito ay maaari rin namang nagsasaad ng ukol sa talentong iyong binabalewala o kinalimutan na. Sakali namang ang aso ay mabagsik at umuungol, ito ay nagpapakita ng ilang inner conflict sa iyong sarili. Maaari rin naman na ang panaginip mo ay nagsasaad ng betrayal at untrustworthiness. Ito ay maaaring nagpapakita na nawala o nawawala ang iyong kakayahan upang balansehin ang ilang aspeto ng iyong buhay. Maaaring ito ay bunsod ng iyong agam-agam upang harapin ang bagong sitwasyon o kaya naman, wala kang interes o kagustuhang umabante tungo sa iyong mithiin. Alternatively, maaari rin naman na ito ay sagisag ng disloyalty para sa ilang malalapit sa iyo na hindi mo pa talagang lubos na kilala. Dapat mo ring pahalagahan ang mga malalapit sa iyo na may pakinabang ka at may mabuting naidudulot para sa iyong interes at kapakanan. Posible rin namang may kaugnayan ito sa kinakaharap na relasyon o sitwasyon, na pakiwari mo ay wala kang kontrol sa iyong sarili. Dapat kang magpakatatag sa pagdating ng pagsubok, isipin ang iyong mga prayoridad sa buhay, iwaksi ang mga negatibo at mag-focus sa mga positibong bagay.
Kung ang ibig mong sabihin ng kayat ay dugo, ito ay nagrere-represent ng life, love, at passion, pati na rin ng disappointments. Ito ay nagpapakita rin na maaaring ikaw ay dumaranas ng exhaustion o kaya naman, ikaw ay nakadarama na emotionally drain ka na. Ito ay maaari rin namang may kaugnayan sa ilang matinding komprontasyon sa pagitan mo at ng ilang mga kaibigan bunsod ng ilang mga bagay na nagawa sa mga nakalipas na pagkakataon. Ang ilang kababaihan kapag nagkakaroon ng buwanang dalaw, kadalasang nananaginip ng ukol din sa dugo – bago o pagkatapos ng kanilang menstruation. Subalit kung ikaw ay lalaki (hindi kasi ako sigurado kung babae o lalaki ka), posible rin naman na may kaugnayan ang panaginip na ganito sa nararanasang guilt sa iyong damdamin.
Señor H.