Saturday , January 4 2025

Pan-Buhay: Pagmamahal

00 pan-buhay“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Juan 3:16

Sa aming lugar, tuwing umaga, kapag ako’y naglalakad papunta ng aming simbahan, madalas kong makasalubong ang isang may edad na lalaking nagdya-jogging. Lahat nang masalubong ng mamang ito ay kanyang nginingitian at sinasabihan ng, “Good Morning”. Gayun din ang ugali ng isang barangay-tanod na nakapuwesto sa kanto malapit sa panaderya. Karaniwan ay sinusuklian din naman sila ng ngiti at bati.

Kahit na hindi maganda ang ating nararamdaman, kahit papaano at kahit sandali lang ay gumagaan ang ating kalooban kapag may nagpakita ng kagandahang loob sa pamamagitan ng pag-ngiti at pagbati. Ganito rin ang ating nararanasan kapag may nagparamdam sa atin ng pagmamahal. Ang sabi nga sa Inggles, “Love begets love”.

Para sa mga sumasampalataya sa ating Panginoon, naniniwala tayo sa walang hanggan at walang katapusang pagmamahal ng ating Panginoon para sa sangkatauhan. Alam natin na sa laki ng kanyang pagmamahal, nakaya niyang ipagkaloob sa atin ang pinakamahalaga sa kanya – ang kanyang kaisa-isang Anak na si Hesus. Hindi lang iyon -kahit tayo’y makasalanan pa at hindi karapat-dapat, una niya tayong minahal. Kung bubuksan natin ang ating isip at puso, ang pagmamahal ng Panginoon ang magdadala sa atin tungo sa pagmamahal ng ating kapwa.

Gusto ninyo bang gumaan ang inyong pakiramdam? Pagaanin ang loob ng inyong kapwa – simpleng ngiti at bati sa kapwa ay malaking bagay na. Gusto ninyo bang sumaya? Pasayahin ang inyong kapwa. Gusto ninyo bang makaramdam ng pagmamahal? Magmahal ng inyong kapwa. Tiyak na gagaan ang inyong pakiramdam, tiyak na sasaya kayo at tiyak na makakaramdam kayo ng pagmamamahal dahil ang Diyos na ang magbibigay sa inyo ng lahat ng ito. Higit pa sa anumang ating ibinigay.

 

(Ang PAN-BUHAY ay isang pakikipagugnayan sa pamamagitan ng panulat tungkol sa ating buhay espirituwal at sa ating Panginoon na tinatawag din nating “Ang Tinapay (Pan) na Nagbibigay-Buhay”)

 

ni Divina Lumina

 

About hataw tabloid

Check Also

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Chavit Singson e-jeep

Inilunsad na e-jeep ni Manong Chavit pinakamura sa merkado

ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman Luis “Manong Chavit” Singson ang bersiyon …

Chavit Singson e-jeep

Singson inilabas pinakamurang E-Jeep

ni Niño Aclan ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman  Luis “Chavit” Singson ang bersyon …

BingoPlus car winner FEAT

BingoPlus Day campaign’s lucky jackpot winner claims brand new car

BingoPlus lucky winner from BP Day campaign posing inside his brand-new car. BingoPlus, the country’s …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *