SA nakaraang 13 taon, ang New York’s Museum of Sex – o MoSex for short, ay nagpapaunawa, nagbibigay-kaalaman at gumigising sa diwa ng mga tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng iba’t ibang detalyadong exhibits kaugnay sa iba’t ibang aspeto ng sekswalidad.
Ngunit gaano ba ito kabulgar? Sa pagtungo pa lamang ng mga bisita sa first exhibition floor ay mapapanood na nila ang “larger than life video loop” ni Linda Lovelace habang nagsasagawa ng oral sex.
Hindi pa ba ito sapat para magising ang inyong atensiyon? Kung ganoon, maaari rin n’yong saksihan ang Tunnel of Love G-Spot Mirror Maze o ang exhibit na nagpapakita kung paano magtalik ang iba’t ibang species.
(THE HUFFINGTON POST)