Saturday , January 4 2025

Hindi ‘patay’ ang BBL—Lobregat

041615 BBL binoe Lobregat AlunanNAGKAISA sina Zambonga City Rep. Celso Lobregat, dating DILG Sec.Rafael Alunan III at actor Robin Padilla sa layuning magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao sa ginanap na Kapihan sa Maynila Media Forum sa Luneta Hotel, Ermita, Maynila. (BONG SON)

NAGKAISA sina Zambo-anga City Representative Celso Lobregat, dating Interior and Local Government secretary Rafel Alunan III at aktor Robin Padilla sa layu-ning magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao.

Sa lingguhang Kapihan sa Manila Bay sa Luneta Hotel, Manila, sinabi ni Lobregat na hindi umano ‘patay’ ang Bangsamoro Basic Law pero para ito tanggapin ay kinakailangan nagkaroon ng nararapat na amyenda para matiyak na magwakas na ang kaguluhan sa Mindanao at magkakaroon ng kapayapaan sa rehiyon.

Ayon sa mambabatas, dapat na alisin ang mga nilalamang bahagi ng BBL na labag sa Saligang Batas.

Nagpahayag naman ng sentimyento si Alunan ukol sa maling pag-handle ng BBL simula pa nang ito ay talakayin ng administrasyong Aquino.

“Day one pa lang ay wala na ito sa tunay na pakay na makamit ang kapayapaan. Hindi nito nagawang ilikom ang lahat ng probisyon na sasang-ayunan ng lahat ng mga sektor na maaapektohan ng batas,” pahayag ng dating kalihim.

Sa opinion naman ni Padilla, napapanahon na huwag sayangin ng pamahalaan ang oportunidad na maresolba ang usaping kapayapaan sa Mindanao.

“Hindi ako against sa BBL pero hindi rin ako pumapabor dito. Ang kailangang mangyari ay matigil na ang karahasan at digmaan na dahilan ng paghihirap ng libo-libo nating kababayan,” anito.

Pinunto ng aktor, na gumanap bilang si Andres Bonifacio, sa huling pelikula nito, na matagal nang ipinaglalaban ng mga Muslim sa katimugang Pilipinas ang kanilang karapatan na pamahalaan ang kanilang sarili sa ilalim ng batas ng Islam, o Sha-ria law. (TRACY CABRERA)

 

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Chavit Singson e-jeep

Inilunsad na e-jeep ni Manong Chavit pinakamura sa merkado

ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman Luis “Manong Chavit” Singson ang bersiyon …

Chavit Singson e-jeep

Singson inilabas pinakamurang E-Jeep

ni Niño Aclan ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman  Luis “Chavit” Singson ang bersyon …

BingoPlus car winner FEAT

BingoPlus Day campaign’s lucky jackpot winner claims brand new car

BingoPlus lucky winner from BP Day campaign posing inside his brand-new car. BingoPlus, the country’s …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *