Globe Asiatique owner Delfin Lee binabakalan nga ba ni VP Binay?
Jerry Yap
April 16, 2015
Bulabugin
MASYADO naman palang masaklap ang nangyari kay Globe Asiatique owner Delfin Lee.
‘Yan ay kung totoo nga ang sinabi ng kanyang abogado na ‘binabakalan’ siya noon ni Vice President Jejomar Binay ng P200 milyones.
‘Yung P200 milyones daw po ay para sa campaign fund.
Pero hindi umano nagbigay si Lee dahil mahina daw sa survey si Binay kaya ang naging ending nakalaboso siya at idinadamay pa umano si former vice president and former Pag-IBIG Fund chairman Noli de Castro sa housing scam.
Aba, e mabigat na akusasyon ‘yan!?
Ang mensahe ni Lee ay binasa ng kanyang abogadong si Atty. Willy Rivera sa Senate Blue Ribbon subcommittee hearing chaired by Sen. Aquilino Pimentel III.
Madiin ang pahayag ni Lee na ang extortion attempt ay idinaan sa isang bagman Gerry Limlingan noong mga unang buwan niya bilang hepe ng Home Development Mutual Fund.
Sa pahayag na binasa ng kanyang abogado, sinabi ni Lee, “I would have been present today delivering this opening statement were it not for the influence wielded by Vice President Jejomar Binay on Judge Amifaith Fider Reyes, the RTC judge of San Fernando, Pampanga, presiding over the criminal case for the made-up syndicated estafa charge against me.”
Sa totoo lang, kinikilabutan ako sa ganitong mga akusasyon.
Totoo man o hindi, nakapangingilabot isipin na may mga taong kayang gumawa ng ganitong mga gawain o hakbangin.
‘Yung unang gawain na pambabakal ng P200 milyones at nang hindi mapagbigyan ‘e biglang kinasuhan at ipinakalaboso ‘yung tao?
Demonyo lang ang pwedeng makaisip ng ganyang manipulasyon.
Ikalawa, ‘yung akusasyon naman ni Lee na minanipula siya kaya siya nakulong. Aba ‘e pambihira rin ang ganyan katalas na imahinasyon kung hindi man siya nagsasabi nang totoo.
Bakbakan na ito ng mga ‘SALITA’ at nasa kamay ni Senate Blue Ribbon subcommittee ang pag-iimbestiga kung paano nila titimbangin ang katotohanan at kasinungalingan.
Kunsabagay, wala naman tayong duda sa mga iginagalang nating Senador kayang-kaya nilang i-grandstanding ‘este i-facilitate ‘yan in-aid of legislation.
Aabangan po natin kung ano ang magiging resulta ng mga imbestigasyon na ‘yan.