Wednesday , December 25 2024

Globe Asiatique owner Delfin Lee binabakalan nga ba ni VP Binay?

00 Bulabugin jerry yap jsyMASYADO naman palang masaklap ang nangyari kay Globe Asiatique owner Delfin Lee.

‘Yan ay kung totoo nga ang sinabi ng kanyang abogado na ‘binabakalan’ siya noon ni Vice President Jejomar Binay ng P200 milyones.

‘Yung P200 milyones daw po ay para sa campaign fund.

Pero hindi umano nagbigay si Lee dahil mahina daw sa survey si Binay kaya ang naging ending nakalaboso siya at idinadamay pa umano si former vice president and former Pag-IBIG Fund chairman Noli de Castro sa housing scam.

Aba, e mabigat na akusasyon ‘yan!?

Ang mensahe ni Lee ay binasa ng kanyang abogadong si Atty. Willy Rivera sa Senate Blue Ribbon subcommittee hearing chaired by Sen. Aquilino Pimentel III.  

Madiin ang pahayag ni Lee na ang extortion attempt ay idinaan sa isang  bagman Gerry Limlingan noong mga unang buwan niya bilang hepe ng Home Development Mutual Fund.

Sa pahayag na binasa ng kanyang abogado, sinabi ni Lee, “I would have been present today delivering this opening statement were it not for the influence wielded by Vice President Jejomar Binay on Judge Amifaith Fider Reyes, the RTC judge of San Fernando, Pampanga, presiding over the criminal case for the made-up syndicated estafa charge against me.”

Sa totoo lang, kinikilabutan ako sa ganitong mga akusasyon.

Totoo man o hindi, nakapangingilabot isipin na may mga taong kayang gumawa ng ganitong mga gawain o hakbangin.

‘Yung unang gawain na pambabakal ng P200 milyones at nang hindi mapagbigyan ‘e biglang kinasuhan at ipinakalaboso ‘yung tao?

Demonyo lang ang pwedeng makaisip ng ganyang manipulasyon.

Ikalawa, ‘yung akusasyon naman ni Lee  na minanipula siya kaya siya nakulong. Aba ‘e pambihira rin ang ganyan katalas na imahinasyon kung hindi man siya nagsasabi nang totoo.

Bakbakan na ito ng mga ‘SALITA’ at nasa kamay ni Senate Blue Ribbon subcommittee ang pag-iimbestiga kung paano nila titimbangin ang katotohanan at kasinungalingan.

Kunsabagay, wala naman tayong duda sa mga iginagalang nating Senador kayang-kaya nilang i-grandstanding ‘este i-facilitate ‘yan in-aid of legislation.

Aabangan po  natin kung ano ang magiging resulta ng mga imbestigasyon na ‘yan.

Chief Supt. Raul Petrasanta hinihintay na sa tanggapan ng PNP Chief

PINAG-UUSAPAN na sa iba’t ibang tanggapan ng Philippine National Police (PNP) ang pagdating ni Chief Supt. Raul Petrasanta sa Camp Crame. 

Maugong na maugong na kasi ang balita na kaya pala OIC ang title hanggang ngayon ni Gen. Leonardo Espina ‘e dahil ang puwestong ‘yan ay nakalaan na raw para kay Gen. Petrasanta.

‘Ika nga, welcome na welcome sa kanila ang bagong magiging ama nila sa PNP. 

Hindi ba’t muntik nang madiskaril ang karera ni Gen. Petrasanta nang idikit ang pangalan niya sa pagbebenta umano ng mga armas sa News People’s Army (NPA).

Mabuti na lamang at wala talagang ebidensiya laban doon sa mama.  

Tsk tsk tsk… mukhang ‘yan ang problema ngayon sa hanay ng pulisya.

Kumbaga sa tindi ng kompetisyon e maraming naglalatag ng bitag para makapanggiba.

Anyway, hindi lang naman sa pulisya ‘yan, kahit saang sector yata mayroong mga hindi mapakali.

‘Yun nga lang pagdating sa huli, BOOMERANG ang nagiging resulta.

Gen. Petrasanta, ano man ang iyong pinagdaanan, ito lang ang huwag mong kalilimutan… “They can’t keep a good man down.”

Death threat ba ito?

HINDI ka ba tatablan ng bala gago. Cge ipitin mo kami may paglalagyan ka. Tigil nyo dyario nyo. Sunugin yan. +639286351798

‘Yan po ang natanggap nating mansahe kahapon. Death threat ba ito? Sorry na lang, naubos na ang kabog sa aking dibdib. Isa lang ang sinasabi ng mga kaibigan natin, ang tunay na ‘gagawa’ nang ganyan, hindi na nagsasalita.

Kung sino ka man pulis o taga-media na nagpadala n’yan, pagpalain ka ng diyos-diyosan mo.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta!

GOOD am, Sir Jerry. I have read your Bulabugin today very well said Boss. ‘Di ko namalayan, tumulo ang luha ko, sayang kc ung mga samahan at mga dating ipinaglalaban nyo noon, ang dami nang nagyari at humantong pa sa ganyan… +63917302 – – – –

SIR Jerry, iba talaga kapag totoong tao, kahit binabasa langs a diyaryo, nararamdaman sa puso. Ganyan po ang feeling ko kapag binabasa ang kolum ninyo. Lalo na ‘yung isinulat  n’yo ngayon para sa isang kaibigan. +63918332 – – – –

MABUHAY ka, Sir Jerry, may your tribe multiply! Isa kang tunay na lider at kaibigan! +63919540 – – – –

KA JERRY, huwag ka sanang magbago. Bihira na ang mga taong katulad mo. +63916778 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *