Saturday , November 23 2024

Sino si Jun “Lakan ‘Lotteng’ Ginto” sa Pasay City?

00 rex target logoITATANONG natin ngayong araw sa kaibigan nating si Pasay City Mayor Tony Calixto ng Pasay kung sino ba ang tarantadong si JUN LAKAN na nagsasabog ng lagim sa siyudad ngayon ng ating idol na alkalde.

Ayon sa sources ng inyong lingkod at ng programang TARGET ON AIR, ang JUN “LAKAN” GINTO  at si KALOY KULANGOT naman ang  trouble shooter at  pasimuno ng ilegal na operasyon ng LOTTENG sa lungsod ni idol Mayor Tony Calixto.

 Kapustahan daw ng ulol ang ilang tiwaling opisyal ng Pasay PNP sa ilalim ng pamumuno ni COP Col. Doria.

Bukod sa ilang opisyal ng pulisya ng Pasay, kaladkad din ng ilegalistang mayabang na si JUN LAKAN ang pangalan ni MARK CALIXTO, anak ni yorme at ang pangalan ng magiting na Barangay Kapitan BORBIE.

Ito raw JUN LAKAN ay taga-FB Harrison lamang at kilalang-kilala ng mga miyembro ng Pasay City Police Force.

Bukod sa LOTTENG sa Pasay, may saklang patay din sa siyudad ng Makati at sa Bacoor, Cavite.

 As usual, ipinagyayabang ni JUN LAKAN ang paldo-paldong piso payola (intelihensiya) na ipinagkakaloob umano sa pulisya at sa dalawa umano niyang padrino sa Pasay na sina Kap. Borbie at mayoral son Mark Calixto.

Ang pagbanggit ng tarantadong JUN LAKAN sa anak ni idol Mayor Tony Calixto ang hindi natin kayang palampasin dahil parang anay nitong sinisira ang malinis na pangalan ng mga Calixto sa Pasay.

Hindi tayo naniniwalang kayang ikompromiso ng pamilya Calixto ang kanilang integridad at karangalan nang dahil lamang sa sugal na lotteng.

Walanghiya sa dilang walanghiya talaga si JUN LAKAN. Pangalan ng mga taong walang kinalaman sa kanyang mga kalokohan ay sadyang kinakaladkad at idinadawit sa kanyang mga pinagkakaperahan.

Kung lalaki ka ngang masasabi, dapat lamang na itikom ang iyong matabil na bunganga at pangatawanan nang solo ang iyong ilegal na ginagawa. ‘Yan ay kung barako ka ngang naturingan.

Galit si Mayor Tony Calixto sa mga lalaking walang balls at parang inaheng manok na putak nang putak.

 Paging Director Carmelo Valmoria ng PNP-NCRPO, pakitanong naman kay SPDO Director Henry Ranola kung kilala niya ang astig na si JUN LAKAN.

Mahirap nang ‘MABUKULAN’ ‘di ba Gen. Ranola, sir?

Dito asar na asar si Director Valmoria, sa mga pulis na kumukuha ng panlamon at sustento sa kanilang mga kabit mula sa mga ilegalista.

Director Valmoria sir, naniniwala kaming hindi mo kukunsintihin ang mga bugok na pulis na patong sa ilegal.

Ganoon din kay idol Mayor Tony Calixto na kinakaladkad ang pangalan ng kanyang anak na si Mark.

Kalusin n’yo na agad ang damuho, mga bossing!

Parañaque Integrated Transport suportado ni Mayor Edwin Olivarez

Suportado ng liderato ni Mayor Edwin Olivarez ng Parañaque City ang samahang Parañaque Integrated Transport na pinamumunuan ng kaibigan nating si RUBEN OCLARINO.

Asosasyon ito ng mga tsuper ng jeep na ang ruta ay sakop at nagyayaot sa bisinidad ng siyudad ng Parañaque. Bilang tagapangulo ng naturang samahan, layon ni Ginoong Oclarino na malagay sa matatag ang kalagayan ng kanyang mga kapwa tsuper.

Bukod tanging ang grupong ito lamang sa buong bansa ang umano’y may SSS at Philhealth membership para sa mga miyembro nito.

Batid ni Oclarino na napakahalagang aspeto sa buhay ng mga tsuper ng jeep na magkaroon ng membership sa SSS at Philhealth na puwedeng sandigan sa mga oras ng kagipitan o emergencies.

Isang paraan ito upang iangat ang propesyon ng mga tsuper ng mga public transport.

Malaking tulong ito sa mga miyembro sa mga darating na panahon. Masasakop na sila ng mga programa at benepisyong ipinagkakaloob ng SSS at Philhealth.

Sa kanilang pagreretiro, may maaasahan na silang pension pagdatal ng retirement age ng mga kababayan nating tsuper diyan sa Parañaque.

Pinapupurihan din natin ang pagkilala at pagsuportang ipinagkakaloob sa mga aba nating kababayang jeepney drivers ni Mayor Edwin Olivarez.

Iba talagang magbigay ng importansiya at malasakit ang butihing ama ng Parañaque City.

Kudos kay President Ruben Oclarino ng Parañaque Integrated Transport na sadyang maka-masa ang puso at isipan. Mabuhay ka pare ko! 

 Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *