Please interpret my dream po, my finger was biten by a dog, it wasn’t hurt, pero nung pumalag na po ung aso nakita ko ung daliri ko na may kagat… Thanks po. (09268821782)
To 09268821782,
Ang daliri sa bungang tulog ay maaaring nagsasaad ng physical at mental dexterity. May kaugnayan din ito sa manipulation, action at non-verbal communication. Nagpapakita rin ito ng iyong agam-agam hinggil sa kakayahan na maisakatuparan o magawa ang ilang mga bagay sa estadong gising ka.
Kapag nanaginip na kinakagat, nagsasabi ito ng posibleng balakid mula sa taong gusto kang saktan, either phically or financially. Kaya dapat kang mag-ingat, pati sa mga taong nasa paligid mo, lalo na ang hindi mo pa talaga lubusang kilala. Ang ganitong panaginip ay nagre-represent din ng iyong vulnerability hinggil sa mga hindi pa nareresolbang issue o emotions. Maaaring may dumating na suliranin o hadlang sa mga bagay na gustong magawa. Maaaring metaphor din ito na nagpapaalala sa iyo na, ‘You have bitten off more than you chew.’ Kaya kailangang maghinay-hinay ka rin sa mga bagay na ginagawa.
Ang aso sa panaginip ay simbolo ng intuition, loyalty, generosity, protection, at fidelity. Ito ay nagsa-suggest din na ang iyong strong values at good intentions ay magiging susi ng iyong pag-usad at tagumpay.
(Itutuloy)