Tuesday , November 19 2024

MILF Chief Iqbal binebeybi ng Malacañang

iqbalIBANG klase rin naman pala itong mga ladies natin sa peace process na sina Mesdames Mriam Coronel at Teresits “Ging” Deles.

Aba’y makipagnegosasyon at makipaglagdaan ba naman sa isang taong hindi nila alam ang tunay na pangalan?!

At ngayon ay sinasaway pa ng Malacañang ang mga mambabatas na huwag na raw palakihin ang isyu sa alyas ni MILF chief negotiator Mohagher Iqbal?!

Ayaw palakihin ng Palasyo? Bakit? Beybi ba ninyo si Iqbal?

Blinakmeyl pa ang buong gobyerno!

Ibubunyag lang daw niya ang kanyang buong pangalan kapag naipasa na ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at naging normal na ang sitwasyon.

Kung hindi pa kinuwestiyon nina Senador Chiz Escudero at Sen. Tito Sotto ang paggamit ni Iqbal ng alyas dahil sa mga usaping legal sa peace process e hindi pa mabibisto ng sambayanan.

‘E paanong nagkaroon ng lakas ng loob ang peace process panel na ipagkatiwala ang buong Mindanao sa isang taong ni ayaw magpakilala?!

Buti pa si Senador Tito Sotto may gulugod para talikuran ang isang bogus na tao!

Sabi nga ni Sotto, napakalaking batas ang BBL at mas nanaisin niyang makipag-usap sa mga taong kilala niya.

Kahit sandamakmak na ang nag-pressure kay Iqbal tumanggi pa rin na sabihin ang totoong pangalan dahil aniya sa security concern at komplikadong sitwasyon ng gobyerno at MILF sa usapang pangkapayapaan.

 Una nang sinabi ni Iqbal na alyas lang ang kanyang pangalan at ito rin ang ginamit maging sa paglagda ng mga dokumento kaugnay sa peace process.

 Tsk tsk tsk …

E saan na patutungo ang peace process na ito?!

Ay sus!

Nagtapon na naman ng pondo ang gobyerno?!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *