Wednesday , December 25 2024

MILF Chief Iqbal binebeybi ng Malacañang

00 Bulabugin jerry yap jsyIBANG klase rin naman pala itong mga ladies natin sa peace process na sina Mesdames Mriam Coronel at Teresits “Ging” Deles.

Aba’y makipagnegosasyon at makipaglagdaan ba naman sa isang taong hindi nila alam ang tunay na pangalan?!

At ngayon ay sinasaway pa ng Malacañang ang mga mambabatas na huwag na raw palakihin ang isyu sa alyas ni MILF chief negotiator Mohagher Iqbal?!

Ayaw palakihin ng Palasyo? Bakit? Beybi ba ninyo si Iqbal?

Blinakmeyl pa ang buong gobyerno!

Ibubunyag lang daw niya ang kanyang buong pangalan kapag naipasa na ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at naging normal na ang sitwasyon.

Kung hindi pa kinuwestiyon nina Senador Chiz Escudero at Sen. Tito Sotto ang paggamit ni Iqbal ng alyas dahil sa mga usaping legal sa peace process e hindi pa mabibisto ng sambayanan.

‘E paanong nagkaroon ng lakas ng loob ang peace process panel na ipagkatiwala ang buong Mindanao sa isang taong ni ayaw magpakilala?!

Buti pa si Senador Tito Sotto may gulugod para talikuran ang isang bogus na tao!

Sabi nga ni Sotto, napakalaking batas ang BBL at mas nanaisin niyang makipag-usap sa mga taong kilala niya.

Kahit sandamakmak na ang nag-pressure kay Iqbal tumanggi pa rin na sabihin ang totoong pangalan dahil aniya sa security concern at komplikadong sitwasyon ng gobyerno at MILF sa usapang pangkapayapaan.

 Una nang sinabi ni Iqbal na alyas lang ang kanyang pangalan at ito rin ang ginamit maging sa paglagda ng mga dokumento kaugnay sa peace process.

 Tsk tsk tsk …

E saan na patutungo ang peace process na ito?!

Ay sus!

Nagtapon na naman ng pondo ang gobyerno?!

PH Dota representatives na-offload

PANIBAGONG sigalot na naman ang haharapin nitong si Commissioner Fred ‘sweet lover’ Mison matapos kuwestiyonin ni Senador Bam Aquino ang mga dahilan kung bakit kinakailangang i-offload noong nakaraang Biyernes, Abril 3, ng mga Immigration Officers sa NAIA ang Philippine representatives ng DOTA  para sa kanilang training sa bansang Korea.

Matatandaang ang “Team Rave” na kamakailan ay nagwagi sa DOTA 2 Asian Championships, ay patungo sanang Korea para sa preparasyon nila sa isang panibagong DOTA competition sa US.

Pero masaklap ang nangyari, hindi lang basta hinanapan ng katakot-takot na dokumento ang team members, kundi sila mismo ay nakaupo na sa loob ng eroplano nang sila ay lapitan at sapilitang pinababa!

Grabe! Kabastos naman!

Kinuhaan din ng pahayag ang POEA tungkol sa nangyaring ito at tinanong kung sila ay kinakailangan kumuha ng katakot-takot na dokumento para sa working permit.

Pero nagpahayag ang POEA na since sila naman ay mga kinatawan ng bansa, kaya hindi na sila inire-require ng voluminous documents.

Patay kang bata ka!

Sa insidenteng ito ay nagpahayag si Senador Bam Aquino na kinakailangan ang masusing imbestigasyon at managot ang mga pumalpak na Immigration Officers sa BI-NAIA T2 kung mapatunayan na sila ay pumalpak-to-the max na naman!

E sino pa ba ang dapat humarap diyan, natural ang pinakapinuno ng ahensiya. Command responsibility dapat ‘di ho ba!?

 ‘Yan na nga ba sinasabi natin! Palibhasa laging busy sa lovelife niya si Comm. Mison kaya kung ano-ano ngayon ang nagiging bulilyaso ng ahensiya?

Alam naman natin na may relationship na suwerte at may malas din ‘di ba?

 Sige Sen. Bam Aquino, paki-imbestigahan mo na sa senado ang isyung ito at baka sakaling ito na ang maging daan para tumuwid ang daan sa bureau.

Alalahanin mo, larong DOTA ang issue at alam naman ng lahat na malapit ang puso ni PNOY sa marurunong ng larong ‘yan?!

Acheche!!!     

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *