Deputy Director Jose Doloiras ng NBI Intelligence
hataw tabloid
April 14, 2015
Opinion
ISA sa mga haligi ng National Bureau of Investigation na nagpapaganda ng imahe nito ngayon ay itong si Deputy Director Atty. Jose Doloiras ng Intelligence Services.
Siya ay isang abogado at Certified Public Accountant at CESO VI.
Pero bago niya narating ang kanyang kinalalagyan ngayon ay nagsikap at nagtiyaga siya sa pag-aaral. May dedikasyon sa kanyang trabaho bilang public servant.
Siya ay taga-Sorsogon at nag-aral sa Divine Word College at siya ay former Chief ng NBI sa Legazpi City.
Pero bago naging opisyal ng NBI, nagsimula ang kanyang karera sa pamahalaan bilang isang Account Analyst sa Department of Budget and Management (DBM). Dahil gusto niyang makatulong sa pagresolba ng mga krimen ay pumasok siya sa NBI.
Siya ay nagsimulang magtrabaho sa NBI noong 1988 bilang isang Investigation Agent I. Sa kanyang pagpasok ay lalo siyang nagpursige na tuparin ang kanyang mandato sa buhay na makatulong sa mga nangangailangan. At dahil sa magandang ipinakita sa NBI ay napakaraming bumibilib sa kanyang abilidad.
Maganda ang takbo ng career niya sa NBI, siya ay ini-appoint bilang Director I ng NBI noong 2008, hawak niya ang Assistant Regional Director ng NBI -Cebu Regional Office.
Noong 1992, sa pagiging masipag at tapat na paglilngkod sa bayan, siya ay ginawaran ng isang Presidential commendation ni dating President Fidel V. Ramos dahil sa pagresolba sa kaso sa pagpatay kay Mayor Octavio Velasco, sa Ternate, Cavite.
Isang kaso na kanyang pinangasiwaan ang pag-aresto kay pulis Mayor Roman Lacap noong 1997.
Siya rin ang nakapagbigay ng solusyon sa pagpatay sa dating NBI Agent Carlomagno Uminga noong 2006 at pag-aresto kay Jachob “Coco” Rasuman sa Marawi City noong 2012.
Kaya naman mas lalo pang dumarami ang nagtitiwala sa kanyang kakayahan at naniniwala na malayo pa ang kanyng mararating bilang public servant.
Lahat ay kanyang gagawin para matulungan ang kanyang bossing na si Director Virgilio Mendez sa pagresolba lalo na sa malalaking kaso na hawak nila.
Hindi nagkamali ang ating Pangulo sa pagtalaga sa kanya bilang NBI Deputy director sa ipinakikita niyang performance sa bureau.
Mabuhay ka Atty. Doloiras at mabuhay ang buong NBI.
Keep up the good work!
***
Binabati ko pala ang aking mga kaibigan sa BOC Enforcement and Security Service na nabigyan ng award sa ginanap na ika-27 anibersaryo ng Customs last month.
Ang binigyan ni Comm. John Sevilla, EG Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno at ESS director Willie Tolentino ng pagkilala ay walang iba kundi sina Senior Officer of the year Maj. Nick Enad, Junior officer of the year Lt. Sherwin Andrada, Special Agent II of the year Sgt. Jesus Nacion, Special Agent 1 of the year SA1 Jonathan Belmonte, District Command of the year – NAIA District Lt. Regie Tuason at ESS support Office of the Year ay Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) na tinanggap ni Maj. Ramon Policarpio.
Congratulations sa inyong lahat at pagpalain kayo lagi ng Poong Maykapal.
Keep up the good work guys.