Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Ganador (Sa Mundong Parisukat ng Tao)(Part 7)

00 ganadorTILA AYAW LUMAYO KAY RANDO NG DATING MUNDO

“’Lam mo ba kung sino ‘yang na-K.O. mo… si Teryong Bakal ‘yan, ex-champion noon lang nakaraang taon,” halakhak ni Mang Emong.

“Natsambahan ko lang po…” pagpapakumbaba niya.

Ikinuwento kay Rando ng katiwala na si Kingkong lang ang tumalo kay Teryong Bakal sa paligsahang “Matira Ang Matibay.” Bilib daw ito sa lakas ng pwersa ng kanyang kamao. Kesyo pwede umano siyang panlaban sa loob ng ruweda. At idinugtong nitong isang engrandeng handaan ang gaganapin sa darating na kaarawan ni Don Bri-gildo. At sinabi pa nitong isasabay daw sa okasyong ‘yun ang pinakatampok na sagupaan ng taon sa stadium ng plantasyon.

“Simula na ng palistahan ng mga gustong lumahok… Sali ka na, bata,” panghihikayat ni Mang Emong kay Rando.

“Hindi po ako pwede…” pagkukunwari niya.

Pinagmasdan siyang mabuti ng matandang lalaki. Tinantiya nito ang taas niyang halos umabot sa anim na talampakan. Namangha ito nang makita ang kanyang malalapad na kamao, ang solidong buto sa mga braso at ang matitigas na kalamnan ng katawan.

“Pwedengpwede ka, bata… Ensayo lang siguro ang kailangan mo,” sabi ni Mang Emong na tumapik-tapik sa kanyang dibdib.

Hindi naglipat-linggo at naipaskel na sa mga pangunahing lugar sa plantasyon ng tubo ang anunsiyo tungkol sa sagupaang “Matira Ang Matibay.” Itatanghal iyon sa gabi ng kaarawan ni Don Brigildo. Sa susunod na buwan na iyon. Nakasaad sa kara-tula na limampung libo ang premyo ng mananalo at labing-limang libo ang para sa magiging talunan.

“’Yung kinse mil, pampa-ospital o pampalibing du’n sa mamalasin,” ngisi ng tauhan ni Mang Emong na nagkakabit ng paskel sa bungad ng bakuran ng plantas-yon.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …