LABIS ang pasasalamat ng baguhang singer/recording artist na si Ha’ ani sa kanyang producer na si Mr. Jimmy Dee sa break na ibinigay sa kanya. Si Mr. Dee ay dating Supersatr sa Guam na ngayon ay may iba’t ibang business sa Pilipinas, Guam, at sa iba pang lugar.
“Super-super thankful po ako, super blessed po ako na nakilala ko si Mr. Jimmy Dee from Guam, USA at naniniwala po siya sa talento ko. Kaya pinu-push niya po talaga ako, sinusuportahan and lahat po ng magagawa niyang best, ginagawa niya.
“Kaya siyempre ako rin po, ibibigay ko rin po yung lahat ng makakaya ko, yung best ko,” saad ng 19 year old na si Ha ‘ani.
Marami pa ba siyang talent bukod sa iyo? “Sa ngayon po, ako lang yung singer na sinusuportahan niya ‘Yung iba po models, dan-cers, tapos ‘yung iba po from Guam.”
Dadalin ka ba niya sa Guam? Ano ang plano niya sa iyo?
“Yes po, may plan po siyang magkaroon ng concert sa sarili niya pong beach resort sa Guam.”
Si Ha ‘ani ay may self-titled album mula sa Superstar Records na pag-aari rin ni Mr. Dee.
Bakit naging Ha’ani ang name mo? “Ang ori-ginal na name ko po is Pauline Hanani and yung history po niya kung bakit naging Ha ‘ani is because mahirap daw po bigkasin ‘yung Haani sa Guam,” saad pa ng talented na singer.
“Let me answer that, some folks they had a problem, they could not pronounce Hanani so they kept saying Haani… Haani. So pretty soon, after a month she became Ha’ani,” nakangiting esplika naman ni Mr. Dee.
ni Nonie V. Nicasio