Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kilig at good vibes, nag-level up na sa Dream Dad

111514 dream dad abs-cbn

00 fact sheet reggeeMAS level up na ang kilig, good vibes, at challenges sa charming drama series ng ABS-CBN na Dream Dad lalo na ngayong nalalapit na ang pagwawakas ng teleseryeng pinagbibidahan ng Kapamilya ‘couple’ na sina Zanjoe Marudo at Jana Agoncillo.

Simula ng umere ito noong Nobyembre 2014, gabi-gabing namayagpag ang Dream Dad sa national TV ratings dahil sa good vibes na hatid nina Baste (Zanjoe) at Baby (Jana), at sa nakakikilig na love story nina Baste at Alex (Beauty Gonzalez), o mas kilala sa tawag na ‘BasLex’ love team.

Sa huling dalawang linggo ng teleserye, tiyak na mas kapana-panabik ang mga susunod na tagpo ngayong sinagot na ni Alex si Baste, at ngayong handa nang ipaglaban ni Bebeth (Yen Santos) ang karapatan niya sa anak na si Baby. Magagawa ba ni Baste na ibalik si Baby sa tunay nitong ina sa oras na magpakilala na ito sa kanila?

Sa huli, ano ang kanilang gagawin upang mabigyan si Baby ng masaya, kompleto, at puno ng pagmamahal na pamilya?

Samantala, personal naman na pasasalamatan nina Zanjoe, Jana, at Beauty ang kanilang mga tagasuporta ngayong Linggo (Abril 12) sa espesyal na fans day na inihanda ng Dream Dad sa SM City Marilao, 5:00 p.m..

Huwag din palampasin ang Yes, Yes, Yes finale ng feel-good family drama series na Dream Dad sa Abril 17 (Biyernes), pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

 

ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …