Madalas q pong mapanaginipan ung ex-bf q, sya po kc un mssabi qng 1st love q..6yrs. ago n po nun mg.hwlay kme,.Ngayon po my asawa at 2 anak n po aq. Kya napapaicp aq kun bkt q p sya napapagiinipan. Salamat po. (09124905234)
To 09124905234,
Ang ganitong bungang-tulog ay posibleng may kaugnayan o babala na ang dating kabiguan at sakit na sinapit o naranasan sa piling ng ex mo ay maaaring mangyari ulit ngayon, kung hindi aalagaan ang iyong relasyon. Normally, kapag madalas mapanaginipan ang isang tao, posibleng may pagtingin pa rin ang nananaginip. Subalit dahil may pamilya ka na, posible rin naman na may nag-trigger lang para managinip ng tulad ng nangyayari sa iyo.
Ang mga halimbawa nito ay ang makita mo ang dating larawan ng iyong ex, regalong galing sa kanya, mga dating kaibigan o kakilala ninyo, ang mapagawi ka sa lugar na madalas ninyong puntahan noon, ang marinig ang dating themesong ninyo at mga katulad na sitwasyon o halimbawa. Kung ganito ang sitwasyon, walang dapat ipag-alala dahil iyon ang rason kaya mo siya napanaginipan. Posible rin namang may mga sitwasyon noon sa inyo ng ex mo ang gusto mong mangyari sa inyo ng asawa mo ngayon, kaya siya pumapasok sa isipan mo. Kumbaga, nagkakaroon ng comparison sa ex mo at sa iyong karelasyon ngayon, kaya siya lumalabas sa iyong bungang-tulog. Maaari rin na hindi ka masaya o satisfy sa inyong relasyon, kaya pumapasok sa iyong subconscious ang dating karelasyon kahit hindi mo ito talaga gusto, at lumalabas nga siya sa iyong panaginip. Subalit kung wala naman ang mga elementong ito, at hindi mo na mahal ang ex mo at mahal na mahal mo naman ang iyong asawa, huwag mo nang isipin ang panaginip mong ito dahil maaaring ito ay nagkataon lamang bunsod ng ilang mga elemento o bagay na wala kang kontrol, subalit wala naman talagang direktang significance sa iyo ang napanaginipan mo.
Señor H.