SIR JERRY, pls hide my name & number. ‘Yun pong ginawa sa inyo ng MPD ay maling-mali. Kami na mga NPC member ay disappointed sa no action ng liderato sa case nyo. Tama ang sinabi nyo na protektado pa ba tayo ng MOA. Kung sa inyo ay nagawa yan hindi malayo na magawa rin sa aming maliliit na mamamahayag ‘yan. God bless u sir Jerry. +63922773 – – – –
PRESS FREEDOM INAATAKE
DITO talaga nakikita kung sino ang mga totoong journalists. Meron mga pa-ingles-ingles pero hindi naiintindihan ang diwa ng PRESS FREEDOM. Basta pala nag-coordinate ang pulis sa media organization, kahit weekend (Friday, Saturday & Sunday) pwede nang hulihin ang journalist na may kasong libel?! Anak ng itlog talaga, oo! +63915458 – – – –
GENUINE ANG LIDERATO
KA JERRY, ang liderato mo ay totoo. Dahil isinusulong mo ang tunay na kapakanan ng maliliit na journalists. Isa ka sa ilang naging presidente ng National Press Club (NPC) na nagtiyagang umikot at pinuntahan kami sa aming mga probinsiya para makita ang aming kalagayan. Hindi namin kailangang dumaing ikaw mismo ang kusang nagbibigay ng tulong hindi para kunin lang ang loob namin kundi tinuruan mo kaming masimulan kung paano magiging self-reliant. Isang beses ka lang napasyal sa lugar namin, pero mula noon hindi namin malimutan ang ipinakita mong halimbawa na sa ngalan ng PRESS FREEDOM kailangan naming magkaisa at magtulungan para sa ikaaangat ng ating propesyon. Mabuhay ka, Ka Jerry! +63923771 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com