Wednesday , December 25 2024

Atake sa kalayaan sa pamamahayag ang pambabastos ng MPD sa MOA ng media groups sa PNP at DILG

00 Bulabugin jerry yap jsyMASYADONG mapanganib at nakalulungkot ang tahasang pambabastos ng Manila Police District Warrant & Subpoena Section (MPD-WSS) sa Memorandum of Agreement (MOA) ng Philippine National Police (PNP) at media groups na National Union of Journalists in the Philippines (NUJP), National Press Club (NPC), Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at ng Philippine Press Institute (PPI).

Naniniwala tayo na ang pag-aresto sa inyong lingkod sa mismong araw ng Linggo (weekend) ay hindi dapat palampasin nang ganoon na lamang komo nakapaghain tayo ng piyansa.

Ang pag-arestong ito ay tahasang pag-atake hindi lamang sa iisang persona kundi sa kalayaan sa pamamahayag (press freedom) lalo’t nilalabag nito ang mga batayang prinsipyo at batas sa ilalim ng Bill of Rights ng Philippine Constitution at mga probisyon sa ilalim ng United Nations’ Universal Declaration of Human Rights, ganoon din ang mga kasunduan (MOA) na sinimulan, iginiit at pinagtagumpayan ng mga kinikilala nating institusyon sa larangan ng pamamahayag gaya ng yumaong Butch Del Castillo noong Setyembre 14, 1990.

Sa panig ng NPC, lumagda noon sa nasabing MOA sina Del Castillo bilang Pangulo, Antonio Antonio bilang Bise Presidente, Bert Castro bilang Kalihim, at Julius Fortuna bilang chairman ng NPC Press Freedom Committee.

Lumagda naman sa panig ng mga awtoridad ang noo’y Secretary of Defense na si Fidel V. Ramos, AFP Chief of Staff Gen. Renato De Villa, M/Gen. Cesar Nazareno ng INP at Lulu Ilustre, Assistant Secretary for Public Affairs ng DND.

Saksi sa lagdaang ito sina Ms. Jessica Soho, Roberto Capco, Oscar Quiambao at Angel Gonong ganoon din sina M/Gen. Guillermo Flores, PN-FOIC Mariano Dumancas, M/Gen. Gerardo Protacio at B/Gen. Emiliano Templo.

Binuhay at pinanatili ang MOA na ito ng dating presidente ng National Press Club na si Louie Logarta kina SILG Jose Lina, Undersecretary Alipio Fernandez. Jr., at Dir. Gen. Leandro Mendoza, chief PNP noon.

Sa panahon ng aking panunungkulan, pinagtibay namin ito nina Secretary Jesse Robredo at chief PNP Jesus Versoza noong Agosto 11, 2010.

Kaya mula noon hanggang ngayon, nanatili ang kasunduang ito dahil wala namang mga pahayag o deklarasyon na hindi na ito kinikilala o kikilalanin.

Kung ang nabanggit na MOA ay hindi kayang ipatupad ng mga awtoridad at sa halip ay kanilang nilalabag, ano ang garantiyang mapapala ng mga mamamahayag lalo na ‘yung mga katoto natin na hindi kayang kumuha ng abogado at maglagak agad ng piyansa?!

Kahit noong panahon ni Minister of Justice Vicente Abad Santos, mayroon siyang ipinalabas na Memorandum Circular na nagsasabing… “To ensure that these constitutional rights shall not be jeopardized, utmost care shall be observed in serving warrants of arrests. Most specifically, no arrest should be made during nightime, on holidays, or on weekends except as stated below. This prohibition is intended to avoid inconvenience on the part of arrested person, who otherwise might find it difficult to post bond for his provisional liberty, or to secure the services of legal counsel while under detention.”

Si Abad Santos ay nanungkulan noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na sinasabing talamak ang paglabag sa karapatang pantao, gusto ba nating sabihin na lalo pang talamak ang mga paglabag ngayon?

Ang MOA sa PNP ng media groups ay kinompirma ni Ms. Rowena Paraan, chairperson ng NUJP.

Pero bakit wala tayong naririnig mula sa NPC?

Nakalulungkot na tayo ay naging Director sa loob ng walong taon at naging Pangulo ng isang media organization na ngayon ay mukhang mas nagiging tagapagsalita ng mga nang-arestong pulis kaysa tagapagtanggol ng PRESS FREEDOM!

MARAMING SALAMAT!

SA KABILA ng hindi magandang karanasan nitong nakaraang araw ng Linggo hanggang Lunes, gusto nating magpasalamat sa mga taong nagtanggol at sumuporta sa inyong lingkod habang tayo ay nasa kustodiya ng pulisya matapos ang isang kuwestiyonable at malisyosong pag-aresto.

Kay Ms. Rowena Paraan ng NUJP na kahit hindi tayo miyembro ay agad nagpahayag na labag sa batas ang pag-aresto na itinataon sa mga araw ng weekend lalo na kung ang aarestohin ay mamamahayag na may kasong Libelo.

Sa Philippine Daily Inquirer (PDI) na agad naglabas ng balita at agad na inihayag ang ginawang pag-aresto sa inyong lingkod, maraming salamat.

Kina katotong Bening Batuigas at Kiko Naguit, mga kinikilalang haligi ng MPD Press Corps.

Kay Mayor Alfredo Lim, na nagpahayag na ang pag-aresto sa inyong lingkod ay pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag at pandarahas sa isang hard-hitting journalist.

Kinondena rin ni Mayor Lim ang hindi pagrespeto ng mga pulis-Maynila sa kalayaan sa pamamahayag at pagbalewala sa umiiral na memorandum of agreement ng PNP at NUJP, NPC, KBP at PPI.

Sa mga kasama, kaibigan, ka-facebook, kamaganak at katoto na nagpakita ng tunay na malasakit at nagbigay ng suportang morale, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat.

“TIME-ON-TARGET” LOTTENG BOOKIES SA A.O.R. NG PNP-SPD

Sa ilang bahagi na sakop ng PNP Southern Police District (SPD) panay ang kahig ng lotteng bookies ng grupo ng isang alias WILLY K. LAGAYAN sa bayan ng Parañaque City at Las Piñas City.

Bukod sa open ang operasyon ng lotteng bookies sa dalawang siyudad ‘e pinaplantsa na ma-extend ang sugal de numero ng grupo ni WILLY sa Muntinlupa City.

Iyan ay matapos takbuhan at hindi magbayad ng patama at intelehensiya ang runner na si Jake alias “Duling” sa kausap na si Manay Josie. Nakadale nga raw ng milyones na salapi sa Muntinlupa ang pekeng gambling lord na si Jake Duling.

Sa kasalukuyan, namamayagpag ang lahat ng uri ng bookies sa Las Piñas at Parañaque City ni Willy K., na ipinamana lahat ni Mang Art ang pa-1602 sa area ng south Metro Manila (SPD), simula nang bumitaw, umayaw ang 4-Aces brothers sa South.

Everyday happy talaga sa south Metro!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *