ni Roldan Castro
MAGANDA ang attitude ni Piolo Pascual na hindi niya isinasara ang pintuan para makatrabaho ang nagbabalik Kapamilya na si Sharon Cuneta. Nagkaroon sila ng isyu noong panahong nag-break sina KC Concepcion at Piolo.
Tama si Papa P na maliit lang naman ang industriyang ginagalawan. Sa showbiz nga naman, walang permanenteng kaibigan at kaaway.
Tungkol naman kay KC, civil sila sa isa’t isa. Pero itinanggi niya na binigyan niya ito ng roses. Dala raw niya ito hanggang pag-uwi at walang binigyan ng flower.
Nagbiro pa siya na kinain niya ang bulaklak.