Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apo ni Dindo Fernando, bibida sa pelikula

033115 dindo jake fernando

00 SHOWBIZ ms mUSO ngayon ang mga batang artista at kabi-kabila ang kanilang teleseryeng nilalabasan. Kaya naman hindi nalalayo ang child actor na si Dindo Jake Fernando, Jr., apo ng namayapang drama actor na si Dindo Fernando sa kaway ng showbiz.

Napapanood lang ng child actor ang kanyang lolo sa cable TV at gusto niyang gayahin ito sa pag-arte dahil hinilig din nito ang pag-aartista sapul pa sa pagkabata. Paborito nga niya si John Lloyd Cruz.

Grade VI na si Dindo Jake sa Xavier School at kahit mag-artista, hindi niya pababayaan ang pag-aaral.

Nakita si Dindo ni Direk Dinky Doo at nang malamang gusto palang mag-artista ay isinama agad siya ng director sa unang pelikula niyang 1 Day, 1 Araw (I Saw Nakakita).

Nagulat nga si Direk Dinky dahil unang salang pa lang ay alam na agad ng bagets ang kanyang lines bukod pa sa natural umarte at marunong sumunod sa instruction ng direktor.

“Mahusay siyang umarte dahil nasa dugo niya ang pag-aartista”, anang direktor.

Mahusay din siyang makisama sa lahat kaya magkasundo sila ng bidang siAlaina Jezl Ocampo. Pagkatapos ng pelikula ni AJ, ilulunsad naman sa pagiging bida si Dindo Jake sa Hating Kapatid Rock N Roll Bang na tatampukan din ninaEric Fructuoso, Ritz Azul, Nina, Zandro Muhlach, Kier Legaspi, Bentot Jr. at ipakikilala si Jahviel C. Clarion bilang Dinky Dah. Ito’y sa direksiyon din ni Dinky Doo.

ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …