Monday , November 18 2024

Lagi tayong pinabibilib ni Mayor Rodrigo Duterte

duterteISA si Davao Mayor Rodrigo Duterte sa mga public officials na kinakikitaan ng tunay na tapang, sinseridad at palabra de honor.

Sabi nga ng matatanda, isang taong alam ang pagkakaiba ng OO at HINDI.

Ibibigay nang buong puso ang kanyang OO kung kinakailangan pero paninindigan din nang husto ang kanyang HINDI kung hinihingi ng pagkakataon.

Gaya na lang nitong pag-aamuki sa kanya ng ilang kababayan at negosyante na tumakbo siyang presidente sa halalan sa 2016. Nagpakita rin naman siya ng interes sa pagtakbo kaya nga nabuo na rin ang iba’t ibang grupo na sumusuporta sa kanya.

Pero siyempre, isang araw nga lang ang eleksiyon pero kailangang sapat ang paghahanda bukod pa sa kakayahan ng isang kandidato.

Dahil pagkatapos ng eleksiyon, tiyak na haharap sa isang mabigat na tungkulin ang sino mang mahahalal.

At dahil hindi naman matakaw sa kapangyarihan at posisyon, mas isinaalang-alang ni Duterte ang kagalingan ng mamamayan kaysa sariling karangalan.

Malaking bagay nga kung mananalo siyang presidente pero sa edad niya ngayon na halos 69 anyos at 70 na sa 2016, makayanan pa kaya niya physically ang hinihinging panunungkulan ng isang presidente ng bansa?!

Kung bata-bata pa siguro siya ay baka tanggapin niya ang hiling ng bayan na tumakbo siya sa pagka-Pangulo. 

Ayon mismo kay Mayor Duterte, ang presidential elections ay para sa mga kabataan at malalakas pa.

Gayon man, sinabi niyang ii-endorse niya ang sino mang kandidato na may platapormang federal system of government dahil naniniwala siyang ito ang magdadala ng kapayapaan sa Mindanao.

Kontento na rin umano siya sa 23-taon pagiging alkalde ng Davao City at isang term para sa pagiging congressman.                  

Nakita naman ninyo hanggang sa pag-atras sa pagtakbong presidente sa 2016 mayroong kapaki-pakinabang na konsesyon para sa sambayanang Filipino.

Meron nga riyan na alam na alam ng taong bayan na mga mandurugas pero gigil na gigil na maging Panggulo este Pangulo?!

‘Yun bang parang walang kapagod-pagod daw na magnakaw ‘este maglingkod kuno sa bayan!

Bakit kaya hindi ito gayahain ng ibang local executives o mga pinuno ng ibang ahensiya ng pamahalaan?!

Kapag hindi na kaya, magretiro na!

Kaysa naman makasuhan pa kapag nagkabulilyasohan?

Hindi ba, Mayor Rod Duterte?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *