Sunday , December 22 2024

LTO mabilis sa multa mabagal sa resulta! (Stickers wala pa rin )

no registration no travelPARA umano madala ang mga traffic violator, itinaas ng Land Transportation Office (LTO) ang multa sa mabibigat na violations. Lalo na raw ‘yung mga paglabag na ginagamit ng mga criminal (i.e pagmamaneho ng hindi rehistradong sasakyan).

Gaya nitong ipatututpad daw sa Abril 1 (2015) na “No Registration, No Travel” policy.

Sa ilalim ng nasabing patakaran ang motoristang lalabag ay magmumulta ng P5,000 hanggang P10,000 at maaari pang ma-impound ang kanilang sasakyan.

Simula sa Abril 1, lahat ng mga bagong biling sasakyan ay papayagang bumiyahe sa loob ng pitong (7) araw mula sa petsa ng pagkakabili pero kailangan mayroong Certificate of Stock Reported na inisyu ng manufacturer/distributor; sales invoice – certificate of coverage mula sa awtorisadong insurance company para sa third-party liability.

Pero kung lalampas sa pitong araw, ang bagong biling sasakyan ay kailangang mayroon nang certificate of registration (CR) at official receipt (OR) of registration na inisyu ng LTO. Kailangan din na ang sasakyan ay mayroon nang  nakakabit na license plates.

Ano mang sasakyan na mahuling nagbiyahe matapos ang palugit na pitong araw nang walang valid registration ay maaaring makasuhan ng “Driving an Unregistered Vehicle” at magmumulta ng P10,000.

 Ang mahuhuling patuloy na ginagamit ang kanilang sasakyan sa loob ng thirty-seven (37) calendar days mula sa petsa ng sales invoice nang walang plaka o registration ay mai-impound ang sasakyan at magmumulta ng P10,000.

Kung mahuhuli naman ang mga motorista na mayroong CR/OR documents pero walang plaka, sila ay iisyuhan ng ticket “for failure to install license plates” at magmumulta ng P5,000.

Magbibigay pa rin umano ng limang araw ang LTO para i-contest ng motorista ang violation kung naniniwala silang LTO ang cause of delay.  

Ang maysabi po n’yan ay si LTO chief, Assistant Secretary Alfonso Tan, Jr., sa isang interview.

Pero ito po ang tanong natin: BAKIT hanggang NGAYON, WALA pa ring LTO STICKERS!?     

Hindi ba puwedeng, unahin muna ang pagbibigay ng LTO stickers sa mga nagpapa-renew ng rehistro ng sasakyan bago mag-implement ng kung ano-anong policy na may napakalaking multa?

Kung dati plaka ang problema ng LTO, ngayon ay LTO sticker naman!

Nyeta!!!

Kapag wala kasing sticker ang sasakyan laging napapara para sitahin kahit nakapag-renew na ng rehistro. Naturalmente malaking abala ito sa mag-kabilang panig.

Walang problemang maglabas ng mga bagong patakaran ang LTO lalo na kung sinasabi nilang para sa seguridad ng bawat mamamayan/motorista ang paghihigpit nila.

Pero por dios por santo naman, puwede bang gumawa kyao ng paraan kung paano mapapabilis ang mga proseso d’yan sa tanggapan ninyo bago kayo magpapogi!

Pwede ba ‘yun, Assec. Tan?! 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *