Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda, nawala na ang tampo kay Daniel Padilla!

022815 daniel padilla vice ganda

00 Alam mo na NonieISANG buwan palang nagkatampuhan sina Vice Ganda at Daniel Padilla. Nalaman namin ito nang magsadya kami last Saturday sa SM North EDSA, The Block para sa block screening ni Vice ng pelikulang Crazy Beautiful You na tinatampukan nina Kathryn Bernardo at DJ.

Present si Daniel sa natu-rang block screening at ayon sa Teen King, siya ang kusang loob na lumapit kay Vice nang nagkita sila recently sa Embassy.

“Oo, babae kasi si Vice, e. So, kailangan ako ang lumapit,” nakangiting pahayag ni Daniel.

Sinabi pa niyang ayaw daw panoorin ni Vice ang movie nila dahil sa tampo nito sa nangya-ring insidente sa ilang Kathniel fans na nang-bash kay Vice nang nabitin sila sa maigsing exposure raw nina Kathryn at Daniel sa show niyang Gandang Gabi, Vice.

“Hindi ang nangyari, kasi ay nagkakasawaan na kami ni vice. Kailangan naming gawin yun, para may bago naman,” pabirong sabi ni DJ ukol sa kanilang tampuhan.

Patuloy pa ni Daniel, “Kasi nga, ayaw niyang panoorin. Ayaw panoorin ito ni Vice, kasi nagtatampo siya sa akin. Pero ngayon ay okay na siya. Sabi nga niya ay magpapa-block screening daw siya.”

Idinagdag pa ni Daniel na hindi niya rin daw kasi talaga matiis si Vice. “Oo naman,” matipid na tugon pa ng Teen King.

Sinabi pa ni Daniel kung gaano niya kamahal si Vice bilang kaibigan. “Mahal namin ito ng nanay ko, ng buong pamilya ko, mahal itong si Vice.”

Pero, totoo ba na sinabihan talaga siya ng Mommy niya (Karla Estrada), na yakapin na niya si Vice para maayos na ang tampuhan nila? “Si Mama hindi nakikialam sa amin iyan,” saad ng Kapamilya teenstar.

So, kusang loob mo iyong nangyari? “Secret!” Nakatawang sabi ni DJ. “Okay na ‘yun. Sus naman!” saad pa niya.

Sa panig naman ni Vice, nagpahayag siya ng kagalakan dahil naayos na ang tampuhan nila ni Daniel. “Korek! Oo, super okay naman kami. Papunta na nga ito sa love team,” pabirong saad ni Vice, sabay banat ng tawa.

Magsasasama sa pelikula sina Vice at Daniel sa darating na MMFF sa December ng taong ito and this early, inaasa-hang magiging super-hit ito sa box office.
ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …