Sabi ng nakararami, ang pagiging magulang ay isang kakaibang karanasan.
Nababago ang lahat ng pananaw sa buhay, mga prayoridad, pamumuhay at iyong buong pagkatao.
Si Nonito Donaire ay naniniwala na nang dumating ang kanyang panganay na si Jarel, at ang napipintong pagsilang ng ikalawa niyang anak, isang blessing na mas higit pa sa mga panalo, kasikatan at kayamanan ang pagiging isang ama.
“It just makes you proud seeing how he’s figuring colors, numbers, all that stuff, it just makes you proud,” pagbabahagi ni Nonito, “I’m excited to also see it in my second baby boy. The feeling is something you can’t compare with.”
Nakumpirma mula kay Nonito na nagdadalang-tao nga at manganganak na ang asawang si Rachel kaya hindi ito makakasama o makada-dalo sa napipintong laban kay William Prado sa Pinoy Pride 30: D-Day sa presscon nito sa Gloria Maris restaurant sa Gateway Mall.
“It pains me to be away from them for so long, masakit talaga,” he further elaborates, at nakuwento rin niya na ayaw bitawan ng panganay ang kanyang kamay nang nasa airport na sila.
Nang tanungin siya kung papayagan ba niya ang anak na si Jarel mag-boksing at sundan ang yapak niya, hindi siya nagpatumpik-tumpik na sabihing “Jarel is free to choose on his own. I’ll be there to support him whether it will be boxing or if he decides to pursue soccer, pero pwede siya mamili,” at binunyag din niya na hindi pwede mag-TV sa kanilang bahay dahil may training sa soccer ang anak tuwing weekend. “He also packs a mean right, you know,” asseverates the former five-division champion in an amused tone.
Nagsisilbing pampalakas ng boksingerong kilala bilang The Filipino Flash ang pagkawalay sa kanyang pamilya. Ang kanilang “mini-reunion” pagkatapos ng bakbakan sa Pinoy Pride 30: D-Day, na gaganapin sa Marso 28 sa Araneta Coliseum, ang nagtutulak sa kanya para magtagumpay sa kanyang comeback fight.
Handog ng pinagsamang lakas ng ABS-CBN Sports at ALA Promotions ang Pinoy Pride 30: D-Day na pagbi- bidahan nina WBO Flyweight champion na si Donnie “Ahas” Nietes at Nonito “The Filipino Flash” Donai- re, Jr. sa Big Dome sa Marso 28, Sabado, 6pm. Ito ay maaaring mapanood ng live sa Skycable Pay-Per-View at ipapalabas sa ABS-CBN at ABS-CBN Sports+Action sa March 29, Linggo, 9:45am.
ni Pete Ampoloquio, Jr.