ni Pilar Mateo
TAGA-HANGA!
Tungkol sa kuwento ng isang dakilang masugid na ‘fan’ ang ibabahaging istorya ng MMK(Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado (Marso 21) sa ABS-CBN.
Ang kuwento ni Francis ay gagampanan ni Francis Magundayao. Na unti-unting nagbago ang buhay dahil sa labis na pagkahumaling sa kanyang iniidolong artista. Paano humantong sa adiksiyon at labis na pagsisinungaling ang simpleng pagkaaliw ng isang TV fan? May pagkakataon pa bang mabago ang buhay ng isang taong inilaan na ang buong panahon para sa kanyang idolo?
Bahagi ng nasabing MMK episode sina Angel Aquino, Juan Rodrigo, Devon Seron, Miguel Vergara, Brace Arquiza, Kiray Celis, Karen Reyes, EJ Jallorina, Celine Lim, at Kristel Fulgar. Mula sa direksiyon ni Raz de la Torre at panulat ni Benson Logronio.
Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario. Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Filipino saan man sa mundo ang MMK na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kuwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya.
Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng MMK gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
Asahan na ang pagsasa-himpapawid ng mga bago na namang kaabang-abang na mga istorya na mula sa sinaliksik at ibinahagi ng ating mga Kapamilya mula sa sari-saring bayang sinadya ng MMK team recently. At abangan ang inyong mga idolong bigyang-buhay ito.