Monday , November 18 2024

Sen. Grace Poe idiniin o inabsuwelto si PNoy!? (Bagito pero matikas)

MAY pananagutan si Pangulong Benigno Aquino III sa Mamasapano incident pero hindi siya maaaring parusahan dahil sa kanyang immunity bilang pangulo ng bansa.

Hindi rin naman umano siya puwedeng i-impeach dahil ang ‘pananagutan’ niya sa Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 kagawad ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) ay hindi ka-impeach-impeach.

Ang isang klaro sa committee report ni Sen. Grace Poe, ang maepal na si suspendidong PNP chief, Dir. Gen. Alan Purisima ay naging isang malaking obstruction para sa kaligtasan ng SAF commandos na sinabing nagtagumpay naman nang mapatay umano ang aarestohing si Marwan.

grace poeHindi nga raw puwedeng direktang makialam si Purisima kasi suspendido kaya bumagal ang pagpapahatid ng mensahe ng paghingi ng tulong sa PNP at sa AFP.

Dahil itinago rin sa kaalaman nina acting PNP chief, Gen. Leonardo Espina at Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, lalo pang namatay ang daluyan ng command.

Kung hindi nga naman isinalang sa ops ang suspendidong PNP chief, dapat tumagos agad sa AFP at sa pulisya ang paghingi ng reinforcement ng SAF.

Ang siste nga ‘e parang may itinatagong kung ano si PNoy kaya kinailangan pa niyang ilipat-lipat ang command at hintay-hintayin ang komunikasyon mula kay dating PNP-SAF chief, Gen. Getulio Napeñas.

Mabuti na lamang at hindi nagpatumpik-tumpik si Sen. Grace Poe para ilahad ang resulta ng kanilang Senate investigation.

Ang tanong nga lang, makabubuti kaya kay PNoy at sa kanyang administrasyon ang inilabas na Senate Report?!

Abangan po natin sa mga susunod na araw.

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *