Friday , November 15 2024

Sen. Grace Poe idiniin o inabsuwelto si PNoy!? (Bagito pero matikas)

00 Bulabugin jerry yap jsyMAY pananagutan si Pangulong Benigno Aquino III sa Mamasapano incident pero hindi siya maaaring parusahan dahil sa kanyang immunity bilang pangulo ng bansa.

Hindi rin naman umano siya puwedeng i-impeach dahil ang ‘pananagutan’ niya sa Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 kagawad ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) ay hindi ka-impeach-impeach.

Ang isang klaro sa committee report ni Sen. Grace Poe, ang maepal na si suspendidong PNP chief, Dir. Gen. Alan Purisima ay naging isang malaking obstruction para sa kaligtasan ng SAF commandos na sinabing nagtagumpay naman nang mapatay umano ang aarestohing si Marwan.

Hindi nga raw puwedeng direktang makialam si Purisima kasi suspendido kaya bumagal ang pagpapahatid ng mensahe ng paghingi ng tulong sa PNP at sa AFP.

Dahil itinago rin sa kaalaman nina acting PNP chief, Gen. Leonardo Espina at Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, lalo pang namatay ang daluyan ng command.

Kung hindi nga naman isinalang sa ops ang suspendidong PNP chief, dapat tumagos agad sa AFP at sa pulisya ang paghingi ng reinforcement ng SAF.

Ang siste nga ‘e parang may itinatagong kung ano si PNoy kaya kinailangan pa niyang ilipat-lipat ang command at hintay-hintayin ang komunikasyon mula kay dating PNP-SAF chief, Gen. Getulio Napeñas.

Mabuti na lamang at hindi nagpatumpik-tumpik si Sen. Grace Poe para ilahad ang resulta ng kanilang Senate investigation.

Ang tanong nga lang, makabubuti kaya kay PNoy at sa kanyang administrasyon ang inilabas na Senate Report?!

Abangan po natin sa mga susunod na araw.

Survey ni PNoy lumagapak

AGAD sumadsad sa pinakamababa ang approval at trust ratings ni Pangulong Benigno Aquino III kasunod ng madugong operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 na SAF commandos.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Marso 1 hanggang 7 kung kailan mainit na isyu ang naging sagupaan ng PNP-SAF at Moro Islamic Liberation Front (MILF), natikman ni Aquino sa unang pagkakataon ang non-majority national approval at trust ratings mula nang mahalal noong 2010.

Naitala ang approval ratings ni Aquino sa 38% mula sa 59% sa survey noong Nobyembre 2014.

Habang nasa 39% ang undecided sa performance ratings niya samantala 23% ang hindi kontento.

Ang trust ratings ni Aquino ay bumagsak sa 36% mula sa dating 56%. 

Naitala ang 37% undecided at 27% ang walang tiwala rito.

Kabuuang 1,200 representative adults ang lumahok sa pinakahuling survey. 

Matatandaan, naging sentro ng kontrobersya si Aquino dahil sa hindi pag-ako ng responsibilidad sa operasyon sa kabila ng pagiging commander-in-chief.

Nanindigan ang Malacañang na walang pananagutan ang Pangulo sa madugong insidente.

Kahit namimilipit na ang dila at nauubos ang laway nina Sec. Coloma, Lacierda at Valte sa pagdepensa kay Pnoy e walang epek pa rin sa taong bayan. Mukhang lalo lang napapasama ang Pangulo sa mga paliwanag nila!?

Kamakalawa, umeksena na rin si superstar Ate Guy at nanawagan na mag-resign na si Pnoy. 

Jusko!!! Hindi ba noon ay nanawagan rin siya na bumaba si Erap!?

At natuluyan nga na napatalsik sa Palasyo si Erap. 

I’ll keep my fingers-crossed na ‘wag mangyari kay Pnoy ‘yan!

Sa ganitong sitwasyon, marami ang naniniwala na kung hindi makababawi si PNoy bago ang election fever sa 2016, siya magiging kiss of death sa sino mang susuportahan niya.

At kapag hindi nanalo sa eleksiyon ang kanyang sususportahan, maulit kayak ay PNoy ang pagkakahoyo nina Erap Estrada at Gloria Arroyo?!

‘Yan po ang aabangan natin.

Chairman at Kagawad ng Brgy. protektor ng drug pusher?

Sir Jerry sumbong ko lang sa ‘yo isang asawa ng brgy kgawad sa Punta Sta Ana Brgy 896 ngtitinda ng shabu dto saming brgy. Siya ay Paroloda lang dati ngyn saya ay nakakasira ng buhay ng tao dahil siya ay ngbebenta ng shabu at wala n rin ginawa ang chairman namin. Pinabyaan nya an g aming brgy panay p ang kurakot ni chairman. Sir Jerry pwede bang pakibulabog naman ‘yung chairman namin dto s Punta Sta Ana Manila ks bukod s marming adik dto sa amin brgy 896 marmi pang madilim na lugar sa aming lugar wala kasing  streetlight hindi kc maka move on yung  chairman dito samin pinepersonal nya pa rin  hanggang ngayon c dennis at yung kagawad mapanira ng kapwa pra kaawaan ng mga tao. Ang pusher sa aming lugar asawa ni kagawad siya at ang chairman namin ang protector dto saming brgy. #+63947507 – – – –

Medyo mabigat ang akusasyon na ito. Sino man po ang kagawad at chairman sa barangay na ito ay binibigyan namin ng pagkakataong magpaliwanag sa akusasyon sa kanila.

Shabu pwede, vendor huli?

Gud day sir Jerry, report q lng po sna mga pulis d2 sa MPD Station 9 ang dmi pong pusher holdaper snatcher d2 s Quirino cor Harrison Plaza hnd pu nila hinuhuli mga vendor nlang lage nila inaatupag alam po namen na bawal mgtinda s kalsada  pero hind po b mas bawal gumawa ng masama, d2 lng sa  pgti2nda kame kumukuha ng ikkabuhay namen sir, wala  po kame inaagrabyadong tao. Pag hindi kme  ngbigay  ng kotong ku2mpiskahin paninda namen halos lahat po ng vendor d2 puro utang lang po punuhan  namen ngbbyad din poh kame sa hawkers every day ng 20pesos. Salamat poh sir Jerry, God bless. #+63919383 – – – –

Walang pulis sa Plaza Sta. Cruz detachment

Nais kulang po mag-react sa polis na nkatalaga jn sa outpost na malapit sa fountain jn sa harap ng simbahan ng Sta Cruz Manila? E2ng nakaran Sabado, petsa 8 alas 7 ng gabi kami po ng anak kong bbae 7 taon gulang  hnabol ng tatlong lalaki na my dalang matalas nakta po ng anak ko ang outpost ng pulis  kaya sabi nya dun tyo tatay sa pulis pero wala pulis! Kya 2loy po ang habulan hanggang sa nagpaikot-ikot kami sa Chinatown wla po akong nktang pulis ang mga ganito snang pagkakataon kailangan natin ang pulis? #+63916184 – – – –

Catholic school walang puso?!

Sir Jerry, gud am po paki-publish nman po ang Our Lady of Pilar Catholic Shool (olpcs) ng City of Imus sa pamamahala ni Rev. Father Allan Velero principal  treasurer ayon po sa dep ed labag sa batas s ngaun ang hindi pagbibigay ng exam sa mga  estudyante lalo finals bukas po exam. May balance po kami bago mag end this month. Ay puwede bang d nmin babayaran?! Paano mkapag-enroll s next year! Kung d namin mababayaran! Natatakot po kc aq pra sa anak ko! Ano mangyari sa kanya! E naturingan pong Catholic School ang eskwelahang ito puro mga bato naman ang puso at walang konsiderasyon ang mga nama2hala d2 hindi mapakiusapan. Makadiyos kuno, Catholic Shool pero baliktad ang katauhang taglay d dapat pamarisan! Huwag n lng po ninyong i-publish number ko s kaligtasan pra sa kapakanan lahat  ang ginwa q! Maraming salamat po #+63918400 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *