Monday , November 18 2024

Malate Police Chief Supt. Romeo M. Odrada tiniyak na hindi sila nangha-harass ng vendors

MPD PS908ISANG liham po ang ipinadala ni Malate (Manila) Police chief, Supt. Romeo Odrada sa inyong lingkod kaugnay ng nailathala nating email/reklamo sa ginawa umanong pangha-harass ng mga pulis sa mga vendor na nasa A. Mabini St., sa harap ng Harrison Plaza at sa Adriatico St., sa pagitan ng P. Ocampo at Leveriza streets.

Sa kanyang liham, ipinaliwanag ni Kernel Odrada na kailangan nilang ipatupad ang road/sidewalk clearing operations alinsunod sa iniaatas ng City Engineering Office at Department of Public Services Manila City Hall. Ito umano ay batay sa rekomendasyon ni Manila Acting Health Officer Dr. Benjamin Yson at sa ipinatutupad na Notice of Obstruction and Prohibited Uses Within the Right Way of National Roads.

Dahil dito kaya umano nila giniba ang mga tindahan o stall ng mga illegal vendor na ilang beses nang inirereklamo ng mga motorista at ilang shoppers sa nasabing area.

Sa pamamagitan umano ng pagpapaalis sa mga illegal stalls at illegal vendors, luminis ang nasabing lugar na ikinatuwa ng mga motorista, shoppers at mga residente malapit sa nasabing lugar.

‘Yan po ang paglilinaw ni Kernel Odrada sa email/reklamong natanggap natin.

Salamat naman po Kernel kung kayo’y naglilingkod sa sambayanan.

Isang tanong lang po, anong alternatibong pagkakakitaan po ang ibinigay ninyo sa mga illegal vendor na tinanggal ninyo sa A. Mabini at Adriatico streets?!

S’yempre kapag wala silang pagkakakitaan, babalik at babalik sila d’yan sa pinagtanggalan ninyo sa kanila. Mananahimik sa una pero kapag kumalam na ang sikmura tiyak muli ninyo silang makikita riyan.

Ano sa palagay ninyo Kernel Odrada?!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *