Saturday , November 23 2024

Malate Police Chief Supt. Romeo M. Odrada tiniyak na hindi sila nangha-harass ng vendors

00 Bulabugin jerry yap jsyISANG liham po ang ipinadala ni Malate (Manila) Police chief, Supt. Romeo Odrada sa inyong lingkod kaugnay ng nailathala nating email/reklamo sa ginawa umanong pangha-harass ng mga pulis sa mga vendor na nasa A. Mabini St., sa harap ng Harrison Plaza at sa Adriatico St., sa pagitan ng P. Ocampo at Leveriza streets.

Sa kanyang liham, ipinaliwanag ni Kernel Odrada na kailangan nilang ipatupad ang road/sidewalk clearing operations alinsunod sa iniaatas ng City Engineering Office at Department of Public Services Manila City Hall. Ito umano ay batay sa rekomendasyon ni Manila Acting Health Officer Dr. Benjamin Yson at sa ipinatutupad na Notice of Obstruction and Prohibited Uses Within the Right Way of National Roads.

Dahil dito kaya umano nila giniba ang mga tindahan o stall ng mga illegal vendor na ilang beses nang inirereklamo ng mga motorista at ilang shoppers sa nasabing area.

Sa pamamagitan umano ng pagpapaalis sa mga illegal stalls at illegal vendors, luminis ang nasabing lugar na ikinatuwa ng mga motorista, shoppers at mga residente malapit sa nasabing lugar.

‘Yan po ang paglilinaw ni Kernel Odrada sa email/reklamong natanggap natin.

Salamat naman po Kernel kung kayo’y naglilingkod sa sambayanan.

Isang tanong lang po, anong alternatibong pagkakakitaan po ang ibinigay ninyo sa mga illegal vendor na tinanggal ninyo sa A. Mabini at Adriatico streets?!

S’yempre kapag wala silang pagkakakitaan, babalik at babalik sila d’yan sa pinagtanggalan ninyo sa kanila. Mananahimik sa una pero kapag kumalam na ang sikmura tiyak muli ninyo silang makikita riyan.

Ano sa palagay ninyo Kernel Odrada?!

Misis ni Pasay Konsi Ian Vendinel nagkakalat na rin…

DAHIL last term na ni Konsehal Ian Vendinel bilang konsehal ng Pasay, hindi nagtataka ang mga Pasayeño kung bakit nagkalat na rin ang mga tarpaulin ng kanyang misis na si Donna.

Si Mrs. Donna naman daw ang tatakbo bilang konsehal ng Pasay come 2016 elections.

May bago pa ba?

S’yempre kailangan may pumalit sa poder nilang iiwanan. Practice po iyan ng mga traditional politician (TRAPO).

Abang-abang lang po tayo at tiyak, meron pang mga lulutang na maglalagay ng kanilang tarpaulin sa area.

Huwag na po kayong magtaka.

Garapalan ang PDA ni Immigration ‘Lover Boy’ Official (Attention: SOJ Leila De Lima)

Noong nakaraang Martes, ganon na lang ang pagkamangha nang halos lahat ng empleyado sa Bureau of Immigration (BI) main office nang hindi inaasahang biglang sumulpot ang beauty ng isang  personalidad (TH as in trying hard actress/starlet) na ngayon ay nali-link sa isang opisyal ng ating paboritong ahensiya.

Matapos nating ibunyag ang kanilang illicit affair at sexcapades ay parang ‘proud na proud’ pa sila ngayon na ipakita ang kanilang relasyon.

Hindi ba immorality ang ginagawa ni BI official?

Na-annul na ba si BI official sa kanyang orig na asawa?

What the fact!?

Talagang wala na raw makapipigil sa kanilang PDA (public display of affection) dahil ang feeling-celebrity chikababes ay kontodo suporta raw sa kanyang azucarera de papa ay hindi man lang inalintana ang issue na maaaring lalong magpalaki ng apoy na kumakalat sa kanilang mga mundong ginagalawan!

Pero pinabilib din naman tayo ni BI ‘white rabbit’ offical, para kasing nananadya na iparada sa bureau ang kanyang bagong kinakabayong chika babes.

Para bagang sinasabi n’ya na: “E anong paki ko sa inyo! Mamatay kayo sa inggit!”

So kapal naman ng mukha ni lolo di ba!?

Sino nga naman ang hindi mauulol kung ganitong mala-Jaguar na auto ang iyong sinasakyan?

Talagang walang tutang naulol ‘di ho ba!?

Kaya naman hindi nakapagtataka kung itong si BI ‘orocan’ official ay bigla raw na-ging hobby ngayon ang pagba-basketball?! 

S’yempre one to sawa na “shoot and dribble” ‘este baliktad pala “dribble then shoot di ba?!”

Maka-3 points pa kaya si lolo!?

He he he…

Sa BI employees na naka-witness sa paglutang ni trying hard sexy starlet na akyat-baba pa sa opisina ni lover boy Immigration official, pare-pareho lang na desmayado ang naging comment nila sa BI official. 

Ang sabi nila, “He is really one hell of a guy!” 

In short, makapal daw talaga ang mukha niya na ipakita pa sa bureau ang kaboglihan n’ya?!

Ang lupit ng komento nila, ‘di ba?!

“E bakit naman daw siya naging makapal?” Tanong naman daw ng mga organic employees sa BI main office.

“E biro mo, sino ba naman ang hindi maiinggit sa kanya ngayon…MAY JOWA NA SIYA, MAY INSTANT APO PA!!!

Sapol!!! 

 Desmayado na sa korupsiyon

KHIT cno ang uupo lhat mangungurakot hndi na bago sa atin ang korapsyon naging normal na un khit saan ang hanapin ntin ngaun ung maraming magagawang proyekto sa bansa at ung mtulungin

#+63905868 – – – –

Bentahan ng droga at holdapan talamak sa Belvedere Tanza, Cavite

ISANG mapagpalang umaga po sa inyo, report ko lng po d2 po sa Belvidere Town homes Tanza Cavite, talamak na po ang bentahan ng droga malapit sa bahay ni Kag. Allan Bulag dati ala nakawan d2 at holdupan ngayon po ay meron na phase 1 sec 9 paging Mayor Khu Arayata aksiyon naman po wag nyo po ilabas no. ko #+64932647 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *