NGAYONG last term na ni Governor Joey Salceda sa Albay, marami ang nangangarap na masungkit ang kanyang puwesto.
Isa na nga raw dito si Department of Environemnt and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje.
‘Yan ang problema natin sa ilang nakapupuwesto sa pamamagitan ng kanilang political alliances.
Masyadong nasasarapan!
Kaya kapag nakakita ng pagkakataon sinusunggaban agad.
Pero dahil karapatan ng bawat isa sa atin ‘yan alinsunod sa Konstitusyon, e wala tayong magagawa kung may mga opisyal ng gobyerno na walang delicadeza.
Makikiusap na lang tayo… puwede bang nipis-nipisan ninyo ang panghihiram ng kapal ng mukha?!
Mag-resign ka muna Secretary Paje para naman hindi ka mapagbintangan na nag-iipon ng pondo para sa pangangampanya.
‘O di ba?
Por delicadeza lang, Secretary Paje…
‘SIMON WONG’ PAANO AT BAKIT NAISYUHAN NG “ALL-AREAS PASS” SA NAIA?
DOUBLE standard ba talaga ang pagpapatupad ng seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals?
Itinatanong po natin ito dahil ilang beses nang naitanong sa atin ng mga airport workers, bakit daw ang Immigration at media ay limitado ang access pass!?
Pero ang isang dayuhang airport ‘favorite’ concessionaire na kinilala sa pangalang Simon Wong ay inisyuhan nila ng “ALL-AREAS PASS.”
Ang mga concessionaire pala ngayon ay maaari nang isyuhan ng “all-areas pass’ sa lahat ng airport terminal?
Ahhh, kaya pala madalas na makita si Simon Wong na naghahatid-sundo ng mga dayuhang pasahero.
Aba, paano kaya ipaliliwanag ni Manila International Airport Authority (MIAA) Assistant General Manager for Emergency and Security Services (AGM-ESS) ret. M/Gen. Vicente Guerzon ang isyung ito?
Mukhang napakain ni Simon ng libreng ‘yummy burger’ ba ang mga taga-MIAA ID Pass and Control Division?
Ganoon ba ‘yun, AGM Vicente Guerzon?!
Paki-explain nga po!
MALAKIHANG KOLEK-TONG SA AOR NG MPD PS-3 (ATTENTION: NCRPO RD GEN. CARMELO VALMORIA)
‘YAN ang hinaing ng mga pobreng vendors sa nasasakupan ng MPD police station 3 ni KERNEL GRAN.
Alam naman ng lahat na ang PS-3 ay isa sa mga juicy police station ng MPD dahil sa malawak na teritoryo nito mula Blumentritt hanggang Quiapo.
Sa kabila kasi na may ‘hatag’ na sila sa task force organized vending ng city hall ay sandamakmak pa rin ang kolektong mula presinto tres ang patuloy na nangingikil sa kanila.
Ilan sa mga itinuturong sikat na kolektong ng Presinto Tres ay sina alias RAMIL BAGMAN na sumisingil sa kanila ng 40-100 pesos kada hawla o pwesto.
Times two pa raw ang kinokolektong nitong tarantadong Ramil, isa para sa PS-3, isa para sa DPS ni leche ‘este Che Borromeo.
Isang alias TATA TONG PONG at dalawang civilian kolektong na sina JIMBOY at TANDANG BOY ang inirereklamo rin ng mga vendor mula Raon, Recto hanggang Quiapo na matinding nagpapahirap rin sa kanila.
MPD DD Gen. Rolly Nana, bakit ho ba sa administrasyon n’yo ay lalong naging talamak ang kotongan sa mga vendor?
Nakikinabang ho ba kayo sa kanila?
Pakisagot lang po!
PARAÑAQUE BPLO CHIEF IPINALA-LIFESTYLE CHECK (PAGING: OMBUDSMAN)
SIR JERRY, nabasa ho namin ang isinulat nyo re BPLO tongpats sa insurance. Hiling po namin na ipanawagan nyo sa Ombudsman na mapa-lifestyle check ang hepe dyan. Nakakagulat kasi na nakabili agad cya ng bahay sa BF homes Pque noong 2013. Wag po nyo ilabas numero ko. – Concerned Parañaque city hall employee
VIDEO KARERA AT FRUIT GAMES SA QUEZON
LARGADO na ang mga demonyong makina ng video karera at fruit games sa Candelaria at Sariaya Quezon ng tatlong itlog na sina EDWIN, LINA at JERRY.
PNP Quezon provincial director PSSUPT. Genaro Ylagan, pakitanong lang ho sa dalawang chief of police n’yo kung maganda ang ‘parating’ ng tatlong itlog VK operator sa AO.R. nila!’
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com