Sunday , December 22 2024

Parañaque BPLO tongpats sa insurance (madame 70 percent, utak ng tongpats)

parañaque BPLONOONG administrasyon ni Mayor Jun Bernabe, very smooth sailing ang operation sa Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO). Walang tongpats sa mga insurance company. ‘Ika nga, very business friendly ang BPLO noon.

Pero ngayon sa administrasyon ni Mayor Edwin ‘political dynasty’ Olivarez, naging talamak ang red tape sa opisinang ‘yan.

Inoobliga ngayon ang mga insurance agent na maghatag ng 70 percent kada isang transaksyon sa mga nagre-renew at nag-a-apply ng business permit.

What the fact!?

Mantakin n’yo sa insurance premium na limang libong piso, P3,500 agad ang mapupunta sa mga tulisan d’yan.

Ayon sa ating Bulabog boy sa BPLO, hindi bababa sa P25 milyones ang kinita ng tropang tongpats sa nakaraang renewal ng mga business permit. ‘Yan ay sa loob lamang ng 25 araw.

Walang magawa ang mga insurance agent sa bagong sistema na ito. Kung walang hatag, ire-reject ang application ng isang negosyante na kumuha na ng insurance sa kanila. Sasabihan pa ang aplikante na hindi daw nila accredited ang nasabing insurance para maipasa lang sa naka-tongpats na insurance company sa kanila gaya ng paborito nilang Intra-Strata insurance Co.

Hindi ba alam ni Parañaque BPLO Chief Atty. Melanie Malaya ang batas na R.A. 10607 (Sec. 193)?

Malinaw na isinasaad dito na “No insurance company issued with a valid certificate of authority to transact insurance business anywhere in the Philippines by the Insurance Commissioner, shall be barred, prevented, or disenfranchised from issuing any insurance policy or from transacting any insurance business within the scope or coverage of its certificate of authority, anywhere in the Philippines, by any local government unit or authority, for whatever guise or reason whatsoever, including under any kind of ordinance, accreditation system, or scheme. Any local ordinance or local government unit regulatory issuance imposing such restriction or disenfranchisement on any insurance company shall be deemed null and void ab initio.”

Mayor Edwin Olivarez, alam mo ba ang ginagawang kabulastugan ng isang alias “Madame 70 percent” sa BPLO? Saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang aleng ‘yan, Mayor Edwin?

Matapos ninyong itaas ang buwis sa Parañaque ay tumaas din ang korupsyon diyan sa city hall.

By the way, Mayor Olivarez, nakarating na ba sa kaalamanan ninyo na may isang opisyal kayo na nakatakdang sampahan ng kaso sa Ombudsman sa susunod na linggo?

Kapa-kapain mo na Mayor kung sino ‘yang opisyal na ‘yan para naman masiguro mo na hindi ka sasabit sa kanya!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *