To Señor,
S panaginip q, may nkita aq mga lobo, tas may dumating pulis tas ay nagptulong aq na kunin iyong mga lobo na lumipd, tas d ko na matandaan sumunod po e, parang nagsing na yata ako ganun lang natandaan q, wait q ito s dyaryu nio, tnx po.. im Tommy… dnt post my cp
To Tommy,
Kapag nakakita ng mga lobo sa panaginip, ito ay nagpapakita ng bumababang pag-asa sa paghahanap mo ng pagmamahal. Maaari rin na may sitwasyon sa iyong buhay na maghuhudyat ng pababang kalagayan o pababang patutunguhan nito. Ang mga lobo ay nagre-represent din ng pagiging arrogance at ng inflated na opinion mula sa iyong sarili. Kung makakita ng itim na lobo, ito ay sagisag naman ng depression, lalo na kung ang mga lobo ay pababa na. Maaari rin namang ang kahulugan nito ay ang frustrating conditions sa iyong buhay, kabaligtaran ng paghahangad mong pag-asenso. Posibleng may pahapyaw na kagustuhan din ito ng ukol sa pagtakas. Sa positibong bagay naman, ang mga lobo ay simbolo ng celebration at festivities. Kailangan mong kilalanin ang inner child sa iyong pagkatao.
Ang pulis namang nakita sa panaginip ay sagisag ng structure, rules, power, authority and control. Posibleng ito ay paalala na kailangang tuldukan na ang iyong reckless behavior kung ayaw mong habulin ka ng batas. Alternatively, maaari rin na ito ay may kaugnayan sa hindi pagkilala sa iyong mga obligation and commitments.
Señor H.