Saturday , November 23 2024

On-duty id para sa airport media tinapyasan ulit ng access (Pero si Airport Concession King, all-areas ang ID!)

00 Bulabugin jerry yap jsyIBANG klase raw ba talagang mag-isip ang mga taong sinasabing ‘think tank’ ni MIAA GM Jose Honrado?

Para kasing sa bawat desisyon nila ay may kalakip na depensa sa ipinatutupad na patakaran.

Tulad nang inilabas na bagong 2015 On-Duty ID ng MIAA na inisyu sa airport in-house reporters.  Huli na nga nilang ini-release ay parang pinag-tripan pa raw!?

Unang tinarantado ‘este’ tinatrato ang limitasyon ng mga Airport Media noong 2010 sa MIAA.

Nagpalabas ng Annual MIAA ID ng mga reporter na kulay blue. Meaning hanggang lobby lamang magko-cover ang media men. Huli rin nang ibigay sa mga reporter noong panahong iyon.

Dahil sa persistent demand at kaliwa’t kanang ‘banat’ ay nag-isyu ang MIAA  ng On-Duty ID with Green color. Meaning All Areas ngunit nakalagay ang “No Ramp.”

Ngunit ngayon, sa new On-Duty ID na inilabas para sa renewal ng in-house reporters ay may dagdag at nakalagay na “No Boarding Gate.”  

Ano kaya ang ibig sabihin nito!? May itinatago kaya ang MIAA management na nagaganap sa Boarding Gate kung bakit parang napapraning na naman sila?

Sino kayang MIAA bright boy ang may akda ng panukalang ‘to!?

 Ang hepe kaya ng Pass Control Office IID? May kinalaman kaya ang tanggapan ng Asst. General Manager for Security and Emergency o office of the Senior Assistant GM?

  Anyway, naintindihan naman natin ang madalas na ibinibigay nilang rason sa airport media kung bakit nila ginagawa ito. For security reasons ‘kuno’ gaya ng ginawa rin nilang paglilimita sa access ng Immigration NAIA. 

Pero ang labis na ipinagtataka at ikinaiinis lang naman nila, bakit ‘yun dayuhang concession king sa NAIA na si SIMON WONG ay ALL AREAS ang MIAA ACCESS ID!?

Madalas din daw makita si Swapang ‘este Simon Wong na sumusundo at naghahatid sa Immigration hanggang boarding gate?!

Ibig bang sabihin nito, ang airport media ay security risk at si Simon Wong ay hindi!?

What the fact!?

Sobra sobra naman ‘ata ang VIP treatment ng MIAA management sa kanya ‘di ho ba?

Magkano ‘este’ anong dahilan at may special privilege ang damuho sa NAIA?

Hmmnnn…may naamoy tayong malansa…

Magbago kaya ang 2015 SALN ni Comm. Fred Mison?

NGAYONG darating na Abril, kailangan nang mag-submit ng kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) ang lahat ng mga kawani ng gobyerno.

Siguradong marami ang nag-aabang kung ano ang ilalagay o gaano kaya ang inilobo ng sinasabing assets ngayon nitong si Comm. Fred ‘serious dishonesty’ Mison.

Hindi maipagkakaila na mula raw nang umupong Immigration Commissioner ang anak ni Mang Badong ay kinakitaan nang hindi bababa sa tatlong mamahaling sasakyan na ginagamit n’ya sa bureau gaya ng Hyundai Starex, Toyota Landcruiser isang brand new pick-up.

Meron pa riyan na sinasabing bahay sa Acropolis Subdivision, Farm sa Tagaytay na namumutiktik ang fruit bearing trees at animal farm gaya ng baka, kambing, usa at iba pa.

At sa lahat ng mga isyung ito, wala tayong narinig o reaction mula kay Comm. Fred Mison para itanggi ang nasabing mga balita.

Ngayon naman ay may tsismis na kumakalat na may ipinagagawa umanong 6-door apartment ang anak ni Mang Badong diyan sa Green Meadows Subdivision sa Pasig City!?

Wowowee naman! Kung totoo ‘yan ‘di ba?

Habang ang lahat ng mga empleyado sa Bureau ay lumolobo ang utang sa mga nagpapautang diyan sa paligid ng opisina, ang kanilang pinagpipitagang Commissioner pala ay patuloy na dumarami ang milyon-milyong halaga ng ari-arian?

What the fact!?

Ito na kaya ang ‘fruit of the labor’ sa mga kasong madalas ay napupunta sa law office nina Atty. Bohol, Domingo, at Atty. Caluya?

Ito rin kaya ang bunga ng karamihang recall orders ng mga dapat ay nai-exclude na mga Chinese at Bombay diyan sa NAIA?

Marami raw kasing IOs ang sumasama ang loob dahil balewala rin daw ang ginagawang pag-exclude sa mga restricted foreign nationals dahil agad-agad silang tinatawagan ng Commissioner’s office para sa recall of exclusion?

Para que raw at nag-exclude pa kung ire-recall din lang agad? Sayang naman ang effort nila ‘di ba, Atty. Plantsa ‘este Atty. Plaza?!

Ano naman kaya ang magiging reaction dito ni Madame SOJ?

Siya kaya ay matutuwa dahil tuloy-tuloy ang pag-asenso ng kanyang protégé sa BI?

Sa darating na submission ng SALN, idedeklara kaya ni Comm. Freddie Mison ang umano’y lumobong assets sa loob ng dalawang (2) taon niyang pagkakaupo sa Bureau?

Parang laban lang ito ni Pacquiao at Mayweather na atin pong aabangan!

Pramis!

Bigote pakitang tao lang daw?

KA JERRY, pinapila ng mga tao ni Bigote ang mga nabiktima ng sunog sa Parola na tumuloy sa Delpan Sports Complex, ibinukod ang matatanda at bata. Biglang lumabas si Bigote at sinabing “hindi ko binibili ang boto ninyo!” Kung baga pinaunahan na niya para kuno ay malinis ang pagbisita niya sa mga biktima ng sunog. Nasa harap niya ang isang kahon na puno ng lilibuhin at lilimang daanin. Inabutan ng tig-dadalawang libo ang matatanda at tiglilimang daan ang mga bata. Naku po! Pakitang tao ang mama. Ang tanong ng marami, saan nanggaling ang perang ipinamumudmod niya? Sa huweteng ba? Sa mga Tongpats? O sa kaban bayan ng Lungsod ng Maynila? Hindi ito ang inaasahan na pag-uugali ng isang Ama ng Lungsod na animo’y lumpen ang galaw sa harap ng kanyang mamamayan.

Matapos mamudmod aba’y nananawagan pa sa tatlong malalaking estasyon ng TV, at humihingi ng tulong?

Anong klaseng pamumuno ito sabi ni Tata Kino?

Walang preparasyon ang Lungsod ngayon pagdating sa ganitong klase ng kalamidad. Bara bara… kaya ang Maynila hindi lamang tambak ng basura, bara bara rin ang sistema ng pamamalakad. Kaya ang mga pag-aabuso ng kanyang mga tauhan ay pinagwawalang bahala na lang. Nawa’y  matauhan na tayong Manileneo sa lumpen na sistema ng administrasyon ni Bigote. Pakitago po emailadd ko.

– Dist. 5 Concerned resident

Hinaing ng isang pulis sa MPD-DPIOU

SIR JERRY, ang titikas po talaga ng mukha ng ilan tauhan ng MPD-INTEL lalo sa DPIOU. Hindi po sila masilip ni DD ang bangketahan  sa mga bookies at VK operator. Sir, tuloy n’yo lang po ang pagbulgar sa makakapal ang mukha. May ilan media dto sa MPD ang nageendorso pa ng enkargado/bagman para hawakan ang pangkalahatan tara sa Maynila. Kami ho ay maayos na ngtratrabaho samantala cla ay puro tongpats inaatupag. SPO3 tuwid na daan. +63918595 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *