Friday , November 15 2024

‘Gisting Buriki’ humahataw  sa Pulilan Bulacan (Bulacan PNP nganga!?)

00 Bulabugin jerry yap jsyWALANG takot ang isang alyas ‘Gisting’ sa pag-o-operate ng ilegal na ‘buriki’ sa Pulilan, Bulacan, na isinasagawa niya sa tungki ng ilong ng tatanghod-tanghod na pulisya sa naturang bayan.

Ayon sa ating Bulabog boy, lantaran at garapalan na halos kung isagawa ni alyas ‘Gisting’ ang pambuburiki ng soya beans mula sa trucking na bumibiyahe sa iba’t ibang parte ng Luzon.

Gamit ng grupo ni alyas ‘Gisting’ sa pambuburiki ang parking area sa likod ng Shykes sa Pulilan, sa harap ng isang canteen.

Hindi small-time ang operasyon ni alyas ‘Gisting’ dahil sa maghapon at magdamag na operasyon ng buriki, daan-daang sako ng soya beans ang nakukulimbat ng kanyang grupo.

Milyong piso ang nagiging bentahan nito sa loob ng isang linggo kaya ang hinayupak, laging ngiting-aso.

Nasa NLEX o sa kalsada pa lamang ang trak ay tinatawagan na ni alyas ‘Gisting’ gamit ang cellphone ay nagtatrato na sila ng drayber sa halaga ng ibuburiking soya beans.

Kadalasan, nakapila sa likod ng Shykes ang mga trak kung saan ang mga drayber ay kakutsaba ni alyas ‘Gisting’ para hindi halatado ang operasyon, kunwari ay kumakain sila sa canteen.

Sonabagan!!!

Makikita na rin agad sa lugar ang mga buyer at ahente ng nakaw na soya beans na kontak ni alyas ‘Gisting.’

Maraming taga-Pulilan ang nagtataka kung bakit at paano lalong namayagpag si ‘Gisting Buriki’ nang maupong PNP provincial director sa Bulacan si S/Supt. Ferdinand Divina!?

Ang opisyal raw kasi ang laging bukambibig ni ‘Gisting Buriki’ na ‘timbrado’ na sa lahat ang kanyang ilegal na negosyo.

Pulilan PNP chief of police P/Supt. Leon Victor Zamora Rosete, alam mo ba na bukod sa soya beans, ay binuburiki rin ng grupo ni alyas ‘Gisting’ ang bigas, semento at  feeds?!

Hindi mo ba namo-monitor ang pamamayagpag ng ilegal na gawain ni ‘Gisting Buriki’ sa area of responsibility (AOR) ninyo Kernel!?

Nakakontak din si alyas ‘Gisting’ sa dalawa pang operator ng buriki sa Porac at Magalang, Pampanga na sina ‘TOLITS’ at ‘TIBAY,’ na ang bukambibig naman ay supporter daw sila sa politika ni Pampanga Governor Lilia Pineda.

What the fact!?

Dagdag pa ng bulabog boy natin, nagpapalitan lamang ng kontak sa mga trak ng soya beans ang tatlong buriki operators.

Bulacan PD S/Supt. Ferdinand Divina, naitimbre na ba ng mga bataan mo ang ‘pangkabuhayan buriki’ ni Gisting!?

Tubusan sa LTO kanya-kanyang presyo

SIR JERRY, hindi ba iimbestigahan ng Commission on Audit (COA) ang LTO na iba-iba ang presyo ng pagpapatubos ng lisensiya kapag may violations? Kapag hinulo ang driver sasabihin P500 lang ‘yan. Pero pagpunta sa LTO biglang magiging P1,500?! Paano ba makasisiguro ang driver na tama ‘yung ipinapataw na multa sa kanya?! Hindi naman kami pwedeng makipagtalo sa kanila kasi maiipit lang lalo ang lisensiya. Kailan kaya poproteksiyonan ng gobyerno ang maliliit na mamamayan gaya naming mga tsuper?

+63907997 – – – –

McArthur & Quezon Bridges sa Maynila madilim pa rin

BOSS JERRY, pktwag ang pansin ng Mla city hall dahil hanggang ngayon madilim pa rin ang tulay ng McArthur at Quiapo. Gabi-gabi po kming nagdadaan d2 at laging   nakokompromiso ang security namin. Subukan sanang magrekorida ni Erap sa dalawang tulay na yan lalo na sa gabi para malaman niya kung gaano kadilim. Yung Jones Bridge lang ang inilawan nila kasi magagalit sa kanila ang mga negosyanteng intsik. Maraming salamat po. Don’t publish my number. #+63932300 – – – –

Basura sa Sampaloc, Maynila, nagkalat

MASYADO pong marumi ang university belt ngayon. Nakakalat ang mga basura lalo nap o sa area kung saan marami ang mga estudyanteng nagbo-board. Hindi namna po dati ganito ang Maynila. Ngayon po grabe ang nakakalat n basura kaya nagkakasakit ang mga students. Paki-hide po ang number ko.  Thanks.

 #+63920960 – – – –

Maraming kalsada ang isinara sa Maynila

BKIT maraming kalsada ang isinara sa Maynila. Dati ‘yung mga papunta ng Osmeña Hiway pag galing sa Tondo o Divisoria pd na kumaliwa sa tapat ng city hall patungong San Mar. Ngayon kailangan pang umikot hanggang United Nations o Pedro Gil bago makarating sa Osmeña. Tapos dati pwedeng kumanan sa Finance tapos u-turn papuntang Ayala Bridge, ngayon hinarang din. Sa loob ng Intrmuros, nagpaikot-ikot na ang ruta. Kaya ang nangyayari naiimbudo ang mga sasakyan sa Taft Avenue kaya grabe ang traffic. Gusto yata nila bayad nang bayad tayo ng tax sila lang ang gagamit ng maluwag na kalsada. Paging MMDA. #+63947950 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *