Sunday , November 17 2024

Presyo ng bigas at Yolanda sanhi ng kahirapan sa Pinas?! (Wee? Hindi nga?)

 

00 Bulabugin jerry yap jsyMULI na naman daw tumaas ang antas ng kahirapan sa bansa ayon mismo sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA)’s Annual Poverty Indicators Survey (APIS) ang poverty incidence sa bawat Pinoy ay tumaas ng 1.2 percent points hanggang sa 25.8 percent sa unang semester noong 2014 mula sa 24.6 na nairehistro sa unang kalahati ng 2013.

Ang rason umano ng nasabing kahirapan ay dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain partikular ang bigas at ang pangmatagalang epekto ng pananalanta ng bagyong Yolanda.

Ano ba ang bago sa balitang ito?

Maaaring may numero ang NEDA at survey umano ang ilang institusyon pero ang kahirapan sa hanay ng mga mamamayan ay hindi na bago.

Kailanman ay hindi pa naaaresto ng mga ekonomistang pinasusuweldo ng gobyerno mula sa ibinabayad na buwis ng mamamayan ang kahirapan.

At lalo pa itong pinalalala ng talamak na korupsiyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Huwag na sanang sisihin ng NEDA ang presyo ng bigas at pangmatagalang epekto ng pananalanta ng bagyong Yolanda sa tumaas na antas ng kahirapan.

May Yolanda man o wala, tumaas man ang presyo ng bigas o hindi, mananatili ang kahirapan sa hanay ng mahihirap na mamamayan.

Ang kahirapan sa isang bansa ay inianak ng nabubulok na sistema sa isang lipunan.

Ang presyo ng bigas at epekto ng bagyong Yolanda ay isang kondisyon na nilikha ng umiiral na sistema kaya nakatatawang ituro ito bilang sanhi ng kahirapan.

What the fact!?

Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, nahihiya yata ako sa mga sinasabi ninyo?!

Para ka ring MRT na naghahanap ng masisisi tuwing nagkakaaberya ang kanilang biyahe.

Wala na bang ibang kapani-paniwalang ALIBI?!

‘Yung kapani-paniwala naman…Ay sus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *