TAWA kami ng tawa sa kuwento ng bagong business unit head ng Dreamscape Entertainment na si Mr. Rondel Lindayag na nagagalit daw si Alonzo Muhlachkapag nababago ang script dahil dumarating daw sa set ang bagets na saulo na ang script niya.
“Nakatutuwa ang batang ‘yan kasi napaka-professional, nagagalit kapag nabago ‘yung sequence guide.
“Kasi ‘yung ibinigay sa kanyang script, sinasaulo niya kaya pagdating niya sa set, memorize na niya, eh, minsan nababago ang sequence guide, biglang sasabihin niya hindi niya kaya, ‘direk, I can’t do that,’ sabi niya (Alonzo),” kuwento ni Rondel sa amin sa ginanap na presscon nina Alex Gonzaga at Alonzo para sa upcoming serye nilang Inday Bote na ididirehe ni Malu Sevilla.
Sa movie version ng Inday Bote ay wala ang karakter ni Alonzo bilang si Intoy,”idinagdag namin kasi para totally maiba sa ‘Inday Bote’ ni Maria (Maricel Soriano), kasi hindi mo naman puwedeng pantayan ‘yun kasi icon na ‘yun, kawawa naman si Alex kapag ikinompara mo.
“May sarili naman siyang (Alex) estilo kaya nga hindi namin pinanoood ang ‘Inday Bote’ ni Maria para hindi magaya or magkaroon ng comparison,” pahayag ng sumulat ng kuwento na hango sa komiks na isinulat ni Mr. Pablo Santiago.
Nabanggit din sa amin ng TV executive na rati raw ay pito ang duwende sa Inday Bote, ”ginawa ko na lang apat kasi mahal at mahirap. Sinabi naman namin kay tito Pablo na babawasan namin ang duwende kasi ang hirap i-shoot, akala ko noong una madali lang, nang ginagawa na namin, ang hirap-hirap pala.”
At tuwang-tuwa ang Dreamscape Entertainment Team kay Alex dahil masigasig at natutuwa sila sa pagiging witty ng TV host/actress.
“Sana ganyan lang siya, huwag siya magbago, nakatutuwa, kasi kapag napagod ‘yan, baka magtaray na, ha, ha, ha” nakangiting sabi ni Rondel sa amin.
Habang sumasagot kasi si Alex sa mga tanong sa kanya ng entertainment press ay puro katatawanan kaya natatawa rin ang TV executive sa kanya kaya nabanggit na sana nga hindi magbago ang dalaga.
As of now ay wala pang petsa kung kailan ipalalabas ang Inday Bote ni Alex kasama sina Matteo Guidicelli at Bdahil ipe-preview palang daw ng ABS-CBNmanagement ngayong linggo.
Pero feeling namin Ateng Maricris bandang Mayo na ito ipalalabas.
ni Reggee Bonoan