Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza Soberano, gustong matupad ang mga pangarap sa buhay

021215 LIZA SOBERANO

00 Alam mo na NonieSOBRANG nagpapasalamat ang magandang Kapamilya teenstar na si Liza Soberano sa magandang takbo ng kanyang showbiz career, lalo na sa malaking success na tinatamasa ngayon ng TV series nilang Forevermore ni Enrique Gil sa ABS CBN.

“I’m so happy po talaga, hindi ko po expected na ganito… I mean, nakaka-overwhelm masyado ang support ng fans.”

“Salamat nang sobra sa lahat ng sumusuporta, from the bottom of my heart, thank you so much. Sobrang happy talaga, nakakataba ng puso po… pati sa feedback sa Instagram and sa Twitter.

“Kaya we’re really so happy. Promise po namin that we will try our best and we will do our best para lalo pang mapaganda ‘yung show. Hope you will always watch Forevermore,” saad ng Film-Am teenstar.

Maraming pangarap sa buhay si Liza, kaya hangga’t hindi natutupad ang mga ito ay ayaw muna niyang magpaligaw.

After ng tagumpay ng Forevermore, ano pa ang gusto niyang mangyari sa kanyang showbiz career?

“Bahala na po, I’m just doing my job. Kung ano po ang ibigay sa akin ng ABS-CBN at ng Star Cinema na project, with the guidance of my managers Star Magic and Tito Ogie (Diaz), I will just do it.

“Ang sabi po, after ng Forevermore and The Bet, may kasunod po, may plano na.

“Pero for now, basta gusto ko po matupad yung dream ko na sabi ni Tito Ogie, gawin ko raw muna bago ako magpaligaw. Yung kailangan, meron na akong dalawang house, one for my family and one for me, isang condo unit, dalawang cars…

“So, sana ma-achieve ko pong lahat ‘yun.

“Siyempre, hindi naman mangyayari lahat ng ito kung wala po yung support ng mga fans na mahal na mahal ako, kaya utang ko sa kanila lahat whatever I achieve in my career.”
ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …