Friday , November 15 2024

“Rule of Law” ang kay Lim

00 Kalampag percyWALANG matinong tao ang basta na lang tatanggapin ang desis-yon ng 11 mahistrado ng Supreme Court (SC) na kuwalipikadong makabalik sa gobyerno ang isang sentensiyadong mandarambong.

Kaya nga naghain ng motion for reconsi-deration si Mayor Alfredo Lim sa SC kaugnay ng disqualification case laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap” Estrada ay upang igiit ang pag-iral ng batas na dapat ay habambuhay na diskuwalipikado na kumandidato at maluklok sa gobyerno ang sentensiyado sa krimen na may kinalaman  sa moral turpitude.

Ito ang naging basehan ng Korte Suprema nang katigan ang desisyon ng Comelec nang diniskuwalipika bilang mayoralty bet noong 2013 elections si dating Zamboanga City Rep.  at convicted child rapist Romeo Jalosjos na binigyan din ng pardon ni GMA.

Ang plunder at rape ay parehong may kinalaman sa moral turpitude, bakit si Jalosjos ay diniskuwalipika ng Comelec at SC, si Erap ay hindi?

Kapag hindi binaligtad ng SC ang desisyon sa disqualification case laban kay Erap, magsisilbing mitsa ito para maging bisyo ng mga opisyal ng gobyerno na paglaruan ang mga batas at gahasain ang kaban ng bayan dahil ang Kataas-taasang Huluman ay “kakampi” pala nila.

‘Yan din ang nagkakaisang pananaw ng batikang abogado, Constitutionalist at dekano ng Far Eastern University (FEU) College of Law Dean Mel Sta. Maria at sa veteran foreign journalist na si Peter Wallace ng Philippine Daily Inquirer.

Para sa kaalaman ng lahat, ang disqualification case laban kay Estrada sa SC ay hindi isang protesta na may kaugnayan sa resulta kung sino ang nanalo noong 2013 election. 

Ang kaso ay inihain bago pa ganapin ang 2013 elections na kumukuwestiyon kung kuwalipikado o may karapatan bang kumandidato si Erap at ang mga tulad niya na sentensiyadong kriminal, base sa wastong nakatadhana sa mga batas.

Ang pinatatawad lamang ng pardon ay parusang kulong at hindi ang ginawang krimen sa batas na may iba pang kaakibat na parusa, isa na ang habambuhay na diskuwalipikadong humawak ng anomang posisyon sa gobyerno na kung tawagin ay “perpetual disqualification from holding any public office.”    

Kailan pa nalipat sa hotel ang Bureau of Customs?

WALA palang sinabi si Commissioner John Sevilla kumpara sa HIGH-END LIFESTYLE ng isang mababang opisyal na SECTION CHIEF ng Bureau of Customs (BOC).

Halatang hindi apektado ng ipinatutupad na reporma ni Commissioner Sevilla sa Customs laban sa talamak na corruption o katiwalian sa ilalim ng “Tuwid Na Daan” ng administrasyong Aquino ang nabanggit na Section Chief.

Isang 5-star hotel sa Maynila ang malimit niyang tambayan at mistulang extension office ng Customs para makipagkita sa mga player na nagpapalusot sa kanyang section.

Sa mamahaling coffee shop at high-end restaurants ng Diamond hotel nila isinasagawa ng kanyang mga kausap na broker at importer ang transaksiyon sa mga kargamento, imbes sa kanyang tanggapan sa Pier.

Saksi ang mga CCTV camera ng hotel sa pinakamamahalagang kaganapan ng “transfer of currencies” sa pagitan nila ng kanyang mga kinakatagpo na kung tawagin noong panahon ni yumaong Ka Doroy Valencia ay “over a cup of coffee.”

Ang “balat” sa buhay ni Mr. Section Chief

Sa hotel din na tinutukoy natin tapat na nagsisilbi ang babaeng “balat” sa buhay na iginagarahe ni Mr. Section Chief.

Maituturing na “lucky charm” niya si Miss “Balat” na kung hindi ako nagkakamali ay matagal pinuntiryang dilaan ng isang dating gurang at walang kinang na Comelec official.

Pero naunahan ni Mr. Section Chief ang diskarte ng galante pero gurang na Comelec official na naghahatag ng halagang P5,000 bilang “tip” araw-araw kay Miss Balat tuwing nana-nanghalian o naghahapunan sa coffee shop ng hotel.     

Agad iginarahe ni Mr. Section Chief si Miss Balat sa isang ‘di kalayuang condo at ibinili rin ng bagong kotse matapos mabalitaan ang pa-ngako ng gurang at pangit na D.O.M. na isasama sa bansang Australia pagkatapos ng kanyang termino sa Comelec para roon na sila magkasamang manirahan.

Ginamit na kamandag ni Mr. Section Chief ang kanyang hilig sa pagkanta gabi-gabi sa mga mamahaling bar at mga music lounge ng iba’t ibang hotel hanggang sa tuluyan niyang maigarahe si Miss Balat.    

Kung sa iba ay itinuturing na malas daw ang balat (birthmark), nag-akyat naman ng suwerte kay Mr. Section Chief ang kanyang “other wo-man”.

Sa kabila na minsan nang nasibak si Mr. Section Chief sa kaso ng “onion smuggling,” mabilis din siyang nakakuha ng puwesto sa tulong ng mga “backer” niyang politiko at maiimpluwensiyang padrino sa Customs.

Kilala kaya ni Joey “Section 5” San Andres kung sino ang nasabing section chief? 

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])  

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *