Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rufa Mae, ‘di raw iiwan ang GMA; pero umalis na sa poder ng Viva

ni Rommel Placente

072814 rufa mae quinto

KINOMPIRMA ni Rufa Mae Quinto sa presscon ng comedy show nilang 4 Da Best + 1 na kasama niya rito sina Candy Pangilinan, Ate Gay, at Gladys Guevarra na wala na siya sa pangangalaga ng Viva since last year pa. Nang mag-lapse ang kontrata niya rito ay hindi na siya nag-renew. Si Shirley Kuan na ang humahawak sa kanyang career ngayon.

“’Di ba si Boss Vic (del Rosario) and Shirley, close naman? So, kahit na kay Shirley ako, join-join pa rin sila. So, parang hindi rin naman ako nawala sa Viva, family ko pa rin naman sila,” sabi ni Rufa Mae.

Kahit nasa pangangalaga na ni Shirley si Rufa ay wala naman daw siyang pinirmahang kontrata rito.

“Actually kahit kay Tito Boy (Abunda), wala akong kontrata sa loob ng 15 years kaming magkasama.

“Kasi para sa akin, kung ayaw na, kung hindi na masaya, papel lang naman ‘yan, parang ganoon.

“Kaya napakaimportante sa akin. dapat ‘yung manager ko, close sa akin, parang family na, ganoon.”

Kung umalis na si Rufa sa Viva, wala naman daw siyang balak iwan ang GMA 7 para lumipat sa ibang network. Happy daw siya sa kalagayan niya sa Kapuso Network.

“May mga nagsasabing, ‘bakit hindi ka lumipat?’, ganyan-ganyan. Sabi ko, ‘ba’t ako lilipat, eh ang ayos-ayos naman ng ganap namin doon sa GMA-7. Hindi naman ako nauubusan ng projects, ng offers’.”

Ang dahilan naman daw kung bakit hindi siya madalas mapanood last year sa mga show ng GMA 7 ay dahil nagkaroon siya ng health problems. Nagkaroon siya ng cyst sa kanyang boobs at ipinaopera niya ito.

Ang 4 Da Best + 1 ay gaganapin sa March 13 and 14 sa Music Museum. Ang tickets ay mabibili sa SM Tickets at 4702222 and Ticket World at 8919999. Ang direktor ng show ay si Andrew de Real.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …