Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Max Collins itinuloy pa rin ang Sexy pose sa FHM Magazine (Kahit tutol ang kapwa Kapusong aktor boyfriend!)

030215 Max collins

00 vongga chika peterBukod sa pinag-uusapang teleserye na “Kailan Ba Tama Ang Mali?” kasama sina Geoff Eigenmann, Dion Ignacio at Empress Shuck, may isa pang hot issue na pinagpipiyestahan ngayon sa social media. Ito ang pagpayag ni Max Collins na mag-pose nang sexy sa FHM bilang cover girl this month of March.

Nauna nang sinabi ni Max na hindi pa siya ready na magpakita ng kanyang kaseksihan sa alin mang men’s magazine pero dahil nagustohan raw niya ang konsepto ng kanyang pictorial ay napapayag na rin siya. Hindi na rin daw niya inintindi pa ang pagtutol ng kanyang kapwa Kapusong aktor boyfriend na si Pancho Magno na gawin ito dahil alam naman raw ng magandang aktres na maiintindihan siya sa kanyang naging desisyon.

Saka career move naman ang kanyang ginawang pagbe-bare kaya dapat maging understandable na lang si Pancho para sa minamahal na girlfriend. Hindi bastusin ang dating dito ni Max, at very artistic ang mga larawang kuha na makikita sa FHM kaya’t walang big deal sa ginawa ng dalaga.

True gyud!

Atty. Ferdinand Topacio kinakarir na ang pagkanta

LAWYER FOR ALL SEASONS MAY ONE MONTH SPECIAL SHOW SA ARUBA BAR & RESTO SA METROWALK PASIG

After ng successful Valentine concert last February 14 kasama sina Richard Merk at Philippine Queen of Jazz Annie Brazil sa Primos Cuisine & Lounge sa Greenfield District, sa Mandaluyong, kaagad nakatanggap ng offer ang Lawyer for all Seasons na si Atty. Ferdinand Topacio mula sa Zomato Philippines para sa one month special show sa Aruba Resto & Bar sa ground floor ng Metrowalk, Pasig Avenue na magsisimula tonight, March 2 at 8:00 p.m. at makakasama ni Atty. Ferdie sa solo show ang magiging back-up na Jazz Holes Band. Every Monday for the whole month of March mapanonood sa Aruba ang nasabing celebrity lawyer at ngayon pa lang ay marami na sa mga kaibigan niya ang nag-papa-reserve para mapanood siya.

Kung kinakarir man ngayon ng BFF at labs naming abogado ang pagkanta aba’y may karapatan naman siya dahil noon pa man ay kilala performer sa iba’t ibang bar at hotel. Siyempre jazz ang forte niya at ang edge niya sa ibang co-jazz singers ay binibigyan niya ng bagong twist ang pag-awit nito na swabeng-swabe sa kanyang audience.

Samantala, pagdating naman sa kanyang pagiging lawyer ay hindi nauubusan ng kliyente si Atty. Topacio at ‘yung mga prominenteng tao sa lipunan na matagal nang nagtitiwala sa kanya hanggang ngayon, siya pa rin ang namumukod tanging legal counsel nila at siyempre nandyan rin ang mga famous celebrity na sina Claudine Barretto, Denice Cornejo na patuloy niyang ipinagtatanggol sa korte. Napakahusay at napakatalino naman kasing abogado ang sikat at controversial na singing lawyer.

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …