Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina at JC, sinikil ang nararamdaman sa isa’t isa

ni Pilar Mateo

022815 shaina magdayao JC de Vera

HAT one chance… A lovestory like no other. Na tiyak relate na naman ang mga manonood sa paboritong hangout na tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN, sa award-winning na MMK (Maalaala Mo Kaya) ang isrorya ng pag-iibigan nina Bea at Andrew.

Na sasakyan naman ng magtatambal o magsasama for the first time na sina Shaina Magdayao at JC de Vera.

Sa February 28, sa MMK, saksihan kung paanong sinikil ng dalawang nilalang na may lihim na pagtatangi sa isa’t isa noong nasa kolehiyo pa sila. Pero sa muli nilang pagkikita ay muling uusbong ang minsan nang naramdaman para sa isa’t isa.

Pero paano nila uli lalabanan ‘yun ngayong pamilyado na si Bea?

Makakasama sa nasabing episode sina Lito Pimentel, Daisy Reyes, Louise Abuel, Mariann Flores, Joseph Bitangcol, Ahron Villena, Paco Evangelista, at Jose Sarasola.

Anong kilig ang hatid ng direksiyon ni Raz De La Torre at panulat ni Benson Logronio.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario. Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Filipino saan man sa mundo ang MMK na bumibisita sa bawat tahanan at nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kuwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado, 7:15 p.m., pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKOneChance.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng MMK gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …