Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Vice Ganda, nagkapikunan?

ni Timmy Basil

022815 daniel padilla vice ganda

TILA walang kapaguran sa pag-promote ang cast ng Crazy Beautiful You na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Maski sina Gabby Concepcion at Lorna Tolentino ay masigasig ding mag-promote ng nabanggit na pelikula na kasama sila at may tawag na rin sa kanilang tambalan, ang Galor.

Noong Linggo naman ay nag-guest ang apat sa GGV at base sa aking napanood, parang muntik nang magkapikunan sina Daniel at Vice Ganda. Roon nalaman na pareho pala ang kiliti ng dalawa—parehong sa kilikili.

Sa nasabing guesting ng dalawa, mahahalata na close na close sina Daniel at Vice dahil magkasama sila noon sa pelikula at madalas ding nagi-guest si Daniel sa GGV na minsan kasama pa ang kanyang Mommy Karla. Sina Karla at Vice ay matagal na ring magkaibigan, wala pa sa showbiz si Vice.

Pero noong Linggo nga, tingin ko ay muntik na silang magkapikunan dahil parang nagkapisikalan ng kaunti during the course of their tsikahan at dahil sa kanilang biruan.

Na-captured pa nga sa kamera ang medyo naiinis ng facial expression ni Daniel pero agad naman itong nawala hanggang sa nagpatuloy ang kanilang talakayan.

Well, maski sa ordinaryong tao. Kapag close na close na kayo at kabiruan na, minsan nagkakapisikalan at nagkakasakitan, may maiinis at may magagalit pero bago kayo maghiwa-hiwalay sa araw na iyon ay bati na ulit kayo.

Ganoon kasimple.

Samantala, sa tiyak ko ay titiba nang husto sa takilya ang pelikulang Crazy Beautiful You. Kahit hindi tayo naimbitahan sa Star Cinema ay happy ako kapag tumatabo sa takilya ang mga pelikula nila, walang

halong kaplastikan ‘yan, Emma Guevarra!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …